#UlogHugot Ang Huling Hirit: Bakit Siya At Bakit Hindi Ako?

in uloghugot •  last year 


source

Bakit siya at bakit hindi ako?
Anong meron siya at wala ako?
Okay naman nung naging tayo,
pero nung dumating siya, ika'y nagbago.

Bakit siya at bakit hindi ako?
Yan ang nais kung itanong sa iyo.
Nung landas natin ay pinagtagpo.
Iyan unang tanong ko sayo.
Ngunit, bakit ganoon kahirap sagutin sayo?
Na handang handa na ako marinig ang sagot mo.

Bakit siya at bakit hindi ako?
Alam mong yan nais kong masagot mo.
Kayhirap ba sambitin mga salitang alam mong masasaktan ako.
O sadyang alam mong masakit din para sayo.

Bakit siya at bakit hindi ako?
Gusto kong isumbat ang lahat sayo.
Naging masaya naman tayo.
Ramdam ko at ramdam mo na nagmamahalan tayo.
Pero bakit siya pa rin ang pinili mo na dapat ay ako.

Ika'y pinakilala sa pamilya ko.
Tanggap ka dahil ikaw ang mahal ko.
Pero bakit sinayang ang lahat ng ginawa ko.
Maging oras na nilaan ay inaksaya mo.
Nagbunga nga pagmamahalan natin ngunit iniwan mo pa rin ako.
Bakit, ano nga ba ang mali sa lahat ng ito?
O sadyang una pa lang ay mali na talaga ang lahat ng ito.

Oo, alam ko, hindi ako perpekto.
Oo, alam ko, nagkakamali din ako.
Pero ni minsan ba'y ika'y nasaktan ko ng ganito.
Ni minsan ba'y ginawa kitang gago.
Oo, ang sakit na sa simula pa lang ay laro na ito.
Sana'y sinabi mo nang ako'y nakipaglaro din sayo.

Sa dati nating pasyalan, nakita ko kayo.
Naglalakad ng magkahawak-kamay kayo
Ngiti'y puno ng pagmamahalan at doon ko napagtanto,
kung bakit siya at bakit hindi ako.

Mahal kita at mahal mo ako,
minahal kita at minahal mo din ako
ngunit mas matimbang pagmamahalan nyo.
Masaya ka nung magkasama tayo.
Pero mas masaya ka nung siya ang nakasama mo.
Sa kabilang banda, nagpapasalamat ako.
Dahil hindi ako ang pinili mo.
Sa larong ito, hindi ako ang talo.
Dahil minsan man akong nagpakatanga sa iyo,
pero alam mo naman kung sino ang sinayang mo.


Salamat sa pagkakataong maibahagi ko ito @sunnylife. Thank you ulit sa #uloghugot. :)


Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

That we will never know why

yes sis... wlang katapusang katanungan na di kailanman masasagot...

Damang dama. Galing po.

Posted using Partiko Android

salamat po sa pag-appreciate ng gawa ko...

sis ang tindi bigat sis. damang dama ko
ibinuhos mo talga sis. ang ganda ng mga kataga mo panalo to
"Sa dati nating pasyalan, nakita ko kayo...."

ikaw na panalo! ang gagaling nyong makahugot!
Mabuhay!!!

nako sis... bigla ko lng din naisip, habang sinusulat ko ito ramdam na ramdam ko din nmn e, ramdam ko yung bigat, hahah.