Biñan at Night Brisk Walking Kuno! Para sa Kalusugan!

in #ulog6 years ago

Sinubukan ko naman talaga na mag jogging ng madaling araw. Kaso nga lang hindi talaga kaya ng powers. Sobrang init sa umaga at ang oras ng gising ko madalas ay 8AM minsan 9 pa pag nagkakasarapan ng tulog. Madalas kasi mga 2AM na ako nakakatulog kaya't dapat yung sa swak sa schedule ko isama pa natin na nagkaroon na ng bagong work si @ellebravo sa may Alabang kaya kailangan mag shift din ng body clock madalas.

At dahil sa feeling ko nasa maayos na kalagayan naman ako. Stretching ang ginawa ko mula head to toe pero mas nag focus ako sa legs ko since madalas may pulikat ako. Tapos ini install ko ang isang appna ang pangalan ay Step Counter - Pedometer and Free Calorie Counter

Lumabas ako ng bahay at sineset sya into 0 muna para walang daya. Pero dahil sa naglalakad parin naman ako ayan may mga mini steps na agad.

Naglakad lang ako sympre balak kong tumakbo kaso nga lang gabi na. Delikado hahah baka sabihin ng kapitbahay nalipasan na naman daw ako ng gutom. Pero ayun na nga habang nasa may lugar pa ako namin lakad lang talaga tayo walang takbo talaga. Tapos brisk walking


Sympre hindi ako yan pero nadito ang link kung saan sya galing

Kaya't nang maramdaman ko na malayo na ako sa baranggay ko inumpisahan ko nang bilisan pa lalo ang phasing ko.

Sinigurado ko din na sampung piso lang ang laman ng bulsa ko. Ang balak ko ay bibili ako ng tubig sa isang convenience store kung sakali mang mauhaw ako. Ganun na nga sabi ng kaibigan ko 5 second sprint lang daw ang gawin ko sympre ang loko sunod naman pero with caution tumingin muna ako kung may tao sa harap at likod.


Pagkalayo na pagkalayo ng tricycle sa larawan agad na akong nagsprint ng 5 seconds. Hinintay ko talaga sya umalis kasi kamag-anak ko yung driver alok ng alok na sumakay na daw ako pauwi.

Ver sakay ka na pauwi!

Nako kuya Digoy nag-eehersisyo ako ng bahagya kaya naglalakad ako pabayan

Ah ganun ba? Sige goodluck!

Oo bes ramdam ko ang pagiging sarcastic nya dun. Malayong kamag-anak namin yun pero sa totoo lang hindi talaga sila natigil. Kala ko safe na ako sa mga kamag-anak ko pag gabi ako naglakad. Sinabihan ba naman ako na magbike nalang. May 3 bike kasi dito sa bahay e hindi ako nabiyayaan sa pag ba bike. Pang subdivision level lang ang biking skills ko pag nag highway na baka bukas makalawa may takip na ako ng dyaryo.

Ayun na nga nakarating ako ng bahay uhaw! Laway laway nalang muna ang pamatid uhaw. Wag nyo na isipin kung paano nangyari basta ganun kaya bumili ako sa isang convenience store dito na biglang dumami. Yung may turon na may langka. ( Di nila ako bayad kaya walang pangalan)

Ngayon refreshed na ako ng bahagya paunti-unting inom lang ang ginawa ko sympre di ko nilagok lahat. Patuloy ako sa paglalakad at medyo gutom na din. Habang naglalakad sinasabi ko sa sarili ko ( Ano ba tong kalokohan na to gusto ko nang umuwi kaso wala na akong pamasahe pauwi)

Pero cheret lang yun ( Sabi nga ni @chinitacharmer) ayun tuloy tayo sa paglalakad kamusta na ang count ko sa paglalakad?

OOhh yeah! Diba kaunting lakad nalang 6000 steps na ako! Nung nakita ko to nasabi ko haha kaya ko pala. Kaya tinuloy ko na hanggang sa nakarating ako sa Olivarez Plaza ng Binan. Dito lumas ang mga tukso


O diba mga bes! Yung nagugutom ka na tapos may pa unli-rice si Mang-Inasal at French Fries si Mcdo na sinawsaw sa cokefloat. Doon ko naramdaman na inaapi ako ng tadhana. Haha OA lang pero grabe talaga nakakagutom pala yun buti mayroon pa akong tubig. Inimagine ko na ang tubig na yun ay coke o kaya naman ay iced tea. Masakit pero wala kailangan panindigan talaga eh.
Yung tubig na iniinom ko manamis-namis na siya ewan ko ba kung naghahalucinate na ako nung part na yun hahaha pero medyo nahihilo ako ng bahagya. ( Buti di ako nag throw-up) Tapos tinignan ko ulit ang counter ko!

O ano ka ngayon Mang-Inasal at Mcdo test! Kala mo kakayanin ko ako!( Actually kung may extrang pera ako naka bili na ako ng fries sa mcdo) Ayun na achieve ko ang goal ko for the day 6000 steps kaso may problema. Hahaha ang layo ko pa sa bahay namin!

Start small lang tayo mga bes! wag pilitin kaya ayun nituloy ko ang paglalakad this time pauwi na ako. Sympre dahil sa medyo alam ko ang pasikot-sikot sa bayan ng Binan madaling mag short cut kaso delikado hahah madilim kaya't dun ako sa safe na daanan.

Balik tayo sa sprint ng 5 seconds tapos pahinga pag walang nakatingin hahah which is madalas nang wala pagabi na ng pagabi eh. Feeling ko binili ko na ang highway! Less sasakyan na hahaha .

Naubos din ang tubig na iniinom ko, nawiwiwi at may nakita akong masukal na damuhan. Pinilit ko pero di ko kinaya talaga hahaha wala namang nakakakita wala namang CCTV dun I guess.

Tuloy ang lakad! Ngayon medyo malapit na ako sa bahay ay napadaan sa isang gusali kapilya sya actually

Dahil sa medyo madilim ang lighting e parang something anyhow mga 5 minutes nalang siguro that time bago ako makauwi ng bahay. Pakiramdam ko ang sarap gumulong nalang sa kalsada pauwi kaso hindi pwede hahaha. Ayun pagdating ko sa amin dun ko naramdaman lahat ng pagod lalo. Dumerecho sa may ref at uminom ng sandamakmak na tubig.

Total steps na nagawa ko ng araw na iyon?

Pagkatapos nito ayun pahinga talaga. Pahid ng katinko ointment sa binte at nahiga para magahinga ng bahagya unti-unti tinawag na ako ng aking bilas ( sister in law) para kumain bumili daw siya ng fried leeg na alam nilang lahat na pinaka paborito ko.

O sya ayun muna! Bukas o mamaya ulit i try kong i up ang goal ko 6500 steps naman!

tp.png

P.S. Pag hindi ako nagsusulat at nagkuwento ganyan ang mga sulat ko talaga hahaha walang sustansya halos. Walang proofread proofread basta may maipost lang na maishare kung ano ang ginagawa ko. Nawa'y wag nyong tularan ang kabaliwan ko minsan hahaha.

Sort:  

Hahaha! Komedyante ka na talaga TP! Waaaah, i feel you. Gustuhin q mang sumexy, andaming temptasyon sa paligid. Mahina aq sa temptasyon. The struggle is real! Hahaha! Good luck sa healthy living mo. Laban lang! Hahaha

Komedyante talaga ako @chinitacharmer hahaha

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 62827.81
ETH 2583.62
USDT 1.00
SBD 2.73