ULOG 21 Kontento

in #ulog6 years ago (edited)


source

Inaasam na makamit ang minimithi
Nagpapakahirap, nagpapakapagod
Mamuhunan man ng oras at salapi
Ang bulong sa sarili'y makokontento na daw
Kapag yaong gusto'y sa kamay na nakasawsaw.

Subalit pagdating ng oras na naabot na niya,
Ang pangarap na mga bagay ay nakadaupang palad na
Ay bakit tila bagang gusto pa niya dagdagan?
Nais pang likumin ang iba pang ari-arian.

Ewan ko ba kung bakit,
Naimbento pa ang salitang kontento
Kung mga tao nama'y wala neto
Bagkus may bahid ng pagkaganid ang anino.

Siguro depende talaga sa personalidad ng tao
Tama din naman siguro gawin
Ang hinahangad niyang magdudulot
Ng dagdag kabutihan sa kanyang puso
Ngunit huwag lang padadaig sa maitim na budhing nakatago.

May mga bagay talaga siguro
Na hindi tayo dapat makontento
Tulad ng pag-gawa ng kabutihan sa kapwa tao
At pagsasanay sa sarili upang maging disiplinado.

Kaya kaibigan sana pakaisipin mo
Na masama ang hindi makontento
Lalo na't sa iba'y nakakaperwisyo
At kung ganid at panlilinlang ang naghahari sa'yong puso
Kaluluwa mo'y maaliw nga sa umpisa, subalit ang wakas nito'y siphayo.

Higit na pakahangarin ang kayamang tunay
Yaong hindi nabubulok at hindi nalulusaw
Yaong hindi mananakaw at hindi maagaw
Yaong dukha man o maralita ang tingin nila
Subalit sa Maykapal ikaw..., ang totoong bida!

==========V=0=T=E==F=O=R===========
Have you voted your witness?
Consider casting your witness votes for @steemgigs (@surpassinggoogle), @precise, @acidyo, @enginewitty, @blocktrades, @cloh76.witness, @ausbitbank, and @curiewho have been adding invaluable contribution to the community. Also special mention to @therealwolf for maintaining a healthy bot upvote system.

To cast your votes, just go to
https://steemit.com/~witnesses

=========S=T=E=E=M=G=I=G=S=========
Much love, God bless!

Your UPVOTE|RESTEEM|FOLLOW, will always be my source of inspiration.

Posted using Partiko Android

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 63968.82
ETH 2633.99
USDT 1.00
SBD 2.84