My #ULOG for Today in Filipino | "Ang Kaniyang Matatamis na Ngiti"

in #ulog6 years ago (edited)

20180323_163535.jpg

Mapagpalang gabi po! Hindi na po lingid sa inyo na ako'y may isang anak na apat na taong gulang pa lamang. Kasalukuyang pumapasok siya sa paaralan upang mapaghandaan ang kaniyang pakikibaka sa darating na pasukan.

32878084_1376919669119259_1214136655569485824_n.jpg

32861044_1376919692452590_6806809241811156992_n.jpg

Ako'y lubos na nagagalak dahil isa siya sa napakagaling sa kanilang klase sa Sining.

32702496_1376926939118532_4461518465517223936_n.jpg

Sa pagkukulay nga mga iginuhit...

32697823_1376928699118356_5341151841029718016_n.jpg

32752064_1376928965784996_3883325793421492224_n.jpg

32590527_1376929355784957_3563436118114304000_n.jpg

32679815_1376930529118173_7150241677272154112_n.jpg

Sa kaniyang pag-guhit, mas lubos akong namamangha sa galing ng kaniyang mga kamay. Kahit pa nga ang kaniyang gamit na pang guhit ay ballpen, talaga namang makikita mo na napakahusay nito sa larangan ng pag-guhit na tila nasa ika-2 o 3 baitang na ang gumawa nito. Marahil nahasa siya ng tuluyan ng aking siya ay natutukan na laging humawak ng lapis at papel upang doo'y maipahayag niya ang kaniyang nasa isipan. Masarap sa isang magulang na katulad ko ang magkaroon ng isang anak na katulad niya. Malambing, sa murang edad ay talaga namang maraming tamang nalalaman. Isa na riyan ang pagdarasal o ang pag-antanda ng krus sa tuwing magsisimba, bago matulog at bago kumain. Kabisado niya ito! Marunong magpasalamat sa tuwing siya ay bibigyan ng isang bagay o may iaabot sa kaniya. Marunong magsabi ng "walang anuman" sa ingles sa tuwing mayroong magpapasalamat sa kaniya. At ang pinakamasarap at talaga namang nakagagalak sa kaniya ay ang kaniyang paglapit sa amin, magsasabi araw araw ng "mahal kita,mommy! mahal kita, daddy!" kung saan talagang maaaring mapawi ang iyong pagod. Araw-araw ko siyang kasama at madalas may mga bagay na ako mismo may natutunan sa kaniya. Ingles siyang magsalita ngunit makikita mo sa kaniya ang pagiging isang batang Pinoy na ubod na mapagmahal. Sana ay hindi siya magbago hanggang siya ay lumaki o tumanda. Mahal kong anak, aalagaan ka namin sa abot ng aming makakaya! Mahal na mahal ka namin!
Maraming salamat po sa inyong pagbabasa! Nawa'y napangiti ko kayo kahit na bahagya sa aking maikling kwento tungkol sa aking anak!

♥♥♥ MOMtrepreneur ♥♥♥


Sort:  

She is so beautiful and her drawings too.

When you use tag ulog, try to add that other moments you lived in your day in your different roles. Mother, wife, daughter, you as a woman, housewife, etc. Check this post

https://steemit.com/ulog/@ulogs/the-world-needs-to-hear-from-you-even-steemit-is-calling-now-you-can-answer-create-a-ulog-today-the-u-in-ulogs-represents-you

Thank you @teardrops! Thank you for reminding me!

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.16
JST 0.030
BTC 68348.76
ETH 2644.95
USDT 1.00
SBD 2.69