Ulog 001: Happy Birthday and Independence Day

in #ulog6 years ago (edited)

IMG20180612111839.jpg

Isa ang araw na ito sa mga masasayang araw na aking naranasan. Para sa akin isa ito sa espesyal na araw sa loob ng isang taon. Ang araw na ito ay walang kapantay na alin mang okasyon at kasiyahan. Malimit nating maisip na ang ating kaarawan ay isa sa pinakamalaking regalong natanggap natin sa ating Panginoon. Mapalad ako na nabigyan pa ng panibagong araw at pag-asa sa buhay. Kasama ang ilang mga kaibigan at pamilya, sama-sama naming ipinagdiwang aking kaarawan kasabay ito sa pagdiriwang rin ng Araw ng Kalayaan.

IMG20180612112535.jpg

Masaya ang lahat sa pagdiriwang na ito dahil muling nagsama-sama ang lahat. Kasabay ng pag-alis ng iilan dahil ang ila'y nagsipagtapos na, mananatili parin ang ganitong mga ala-ala sa aming lahat.

IMG20180612104745.jpg

IMG20180612152635.jpg

Nagpunta kami sa Mambuntan Falls. Ito ay isa sa mga ipinagmamalaking kayamanan ng aming lungsod. Mula sa sentro ay bumyahe kami ng mga 40-45 minuto bago nakarating sa napakagandang lugar na ito. Sumakay kami sa Bajaj kung tawagin namin, isa itong modernong disenyo ng tricycle. Lubak-lubak man ang ilang bahagi ng daan, naging masaya naman ang aming pagbyahe dahil narin sa ganda na iyong madadaanang lugar.

IMG20180612134736.jpg

IMG20180612134805.jpg

Pagdating sa aming destinasyon napawi rin naman ang aming pagod dahil sulit na sulit ang aming pagbyahe sa malayo. Sinalubong kami ng magagandang tanawin at lamig ng paligid. Napakasarap ng tubig at kay ganda nito. Masayang-masaya kami sa bagong karanasang ito. Isa ito sa mga araw na hinding-hindi ko makakalimutan.

Nais kong tapusin ang blog na ito sa pamamagitan ng mga katagang ito...

sing tayog ng bukirin ang kayang liparin ng kalayaan

MABUHAY TAYONG LAHAT!

DALAYGON ANG DIOS!


image

Coin Marketplace

STEEM 0.35
TRX 0.12
JST 0.040
BTC 70601.11
ETH 3576.21
USDT 1.00
SBD 4.78