#UlogHugot -- Nang Dahil sa Pag-ibig Nagmahal, Nasaktan at Muling Nagmahal (Unofficial Entry)

in #ulog6 years ago (edited)

girl-1246525_1280.jpg
Pixabay

Nasisilaw ang aking mga mata sa liwanag na nagmumula sa papalubog na araw habang malayang nililipad ng malamig na hangin ang mahahaba kong buhok. Kay ganda talagang pagmasdan ng araw. Pansamantalang nakakapawi sa aking lungkot na nararamdaman ang gandang taglay nito. Nakakalimutan ko ang problemang aking kinakaharap. Pero yun nga, lahat naman may katapusan at pagkatapos nang ilang minuto ay unti-unting pumapasok ang dilim. Tumayo ako sa kinauupuan ko at naglalakad-lakad muna sa may dalampasigan. Tanging hampas na lamang ng dagat at ingay ng panaka-nakang rorong napapadaan ang aking naririnig.

beach-1822598_1280.jpg
Pixabay

Sa pagsapit ng gabi, habang mag-isang kumakain ay di maiwasang mag moment na naman. Si Christopher nga ang laman ng itim na sasakyan pero hindi na siya ang Christopher na kilala ko. Nagbago na siya at kahit nga anino niya ay hindi ko na makilala pero ba't ganon? Ang damdamin ko para sa kanya ay hindi pa rin nagbabago. Oo, tanga na kung tanga na mahalin ang lalaking walang ibang ginawa kundi saktan ang aking damdamin sa mga taong nagdaan ngunit wala na akong magagawa eh dahil ang hirap turuan ng puso. Sinasabi nila natututo daw tayo sa bawat pagkakamali pero ba't pagdating sa maling pag-ibig hindi tayo natututo bagkus ay mas lalo pang nagkakamali. Paulit-ulit lang itong nangyayari at ang nakakatawa pa ay patuloy pa rin tayong nagmamahal at hindi nadadala. Hay, kung naging asignatura lang siguro sa eskwelahan ang pag-ibig marahil marami ang bagsak at kasama na ako run.

woman-1006100_960_720.jpg
Pixabay

Napaiyak pala ako. Kitams kahit ako di na kontrolado ang emosyon ko. Ipinahid ko ang aking mga kamay sa mainit na likidong umaagos mula sa aking mga mata. Humagulhol ako sa pag-iyak. Ang sakit lang isipin na parang wala lang ako sa kanya... Na kaya niya akong bitawan nang ganon na lang.

"Naku andito ka lang pala kung saan-saan kita hinanap. Sabi ko naman sayo magbabakasyon tayo para di mo na siya maisip pero parang wala rin namang epekto Monique.", wika ng isang lalaki.

Nakalimutan kong kasama ko pala si Josh dito sa isla. Ang kaibigan kong napaka-maalalahanin at parating andyan para sa akin. Inabutan niya ako ng panyo pero imbis na abutin ko ang panyo ay umiyak ako sa balikat niya.

"Tahan na. Andito lang ako sabi ko naman sayo diba, ako na lang... Ako na lang ang mahalin mo at subukan mong buksan iyang puso mo. Mahal kita higit pa sa pagiging kaibigan at alam mo yan Monique. Kung ako na lang sana."

Bituin pasok ...

Kung ako na lang sana ang yong minahal di ka na muling mag-iisa 🎶
Kung ako na lang sana ang yong minahal di ka na muling luluha pa 🎶
Di ka na mangangailangan pang humanap ng iba 🎶
Narito ang puso ko maghihintay lamang sayo, kung ako na lang sana 🎶

Exit Bituin 😂

Natigilan ako sa sinabi ni Josh. Sa totoo lang di naman siya mahirap mahalin kaya sa pangalawang pagkakataon ay sumugal ako sa pag-ibig. Binigyan ko ng chance ang nararamdaman niya para sa akin at naging masaya akong muli. Hindi ako nagkamali na mahalin siya at masasabi kong kahit nasaktan man ako sa pag-ibig, nang dahil naman dito ay nagmahal akong muli. Its a matter of taking chances and never be afraid to take risks kahit sa usaping pag-ibig pa yan.



Di na siya sad ending hehe. At sinubukan ko talagang dugtungan yung nangyari last week para at least may closure 😂✌ By the way this is my unofficial entry.. Gusto ko lang mag post pero di ako sasali sa #uloghugot contest



U5dryacLKKpig2tysTaHYTxGFQtFrwZ_1680x8400.png
To join and be part of the gratefulvibes family on discord, click here

jennybeans.gif
To join and be part of the Steemitserye Steemitdora Full Force on discord, click here



Maraming Salamat sa Pagbisita'!

This post was made from https://ulogs.org

Sort:  

Yun yun eh <3

This comment was made from https://ulogs.org

Hehehe
Salamat sa pagbisita 💕

ayyy grabeee sis isang pocket na naman ito:)
sama mo na sa entry para mas masaya.
Salamat sis.

Thank you rin sis ... 😊

the amazing story have a great day

grabee sis binalikan ko ulet
ang tindi mo tlga panalo!
pang #steemitserye ang style nito ubusan ng bangz haha

Pang #steemitserye nga sis hahaha
Kaya nga in-end ko na siya para maka start ako next week na parang hindi na story ang dating hehehe ..

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 64344.88
ETH 2629.39
USDT 1.00
SBD 2.83