#ulog: Paano magluto ng ginisang upo, halina at tikman
Aking ipinagmamalaki ang sarili kong lutong ulam na patok sa pamilya. Ang ginisang upo na masustansya at masarap! Simple lang naman ang pagluluto sa masarap na ulam na ito. Una ay piliin ang mga preskong sangkap upang lubos na malasa ang inyong lutong ulam. Paano nga ba ang pagluluto nito? Eto ang aking sikreto:
Maghanda ng sibuyas, bawang at kamatis para sa paggigisa.
Balatan at hiwain sa maliliit na bahagi ang upo tska itabi.
Hugasan at gayatin ng kwadrado ang karne ng baboy na pansahog tska itabi.
Igisa sa katamtamang apoy ang sibuyas at bawang hanggang sa mamula ito.
Sunod na igisa ang karne ng baboy hanggang sa maula ang laman nito.
sunod na igisa ang kamatis hanggang sa humiwalay ang balat nito.
ito talaga ang nagbibigay ng kakaibang lasa at sarap sa ginisang upo. Ito ang alamang na hipon. Igisa ito kasama ng kamatis. lagyang ng tubig kung kinakailangan upang hindi masunog ang ginisa.
Ihalo ang ginayat na upo sa ginisa at takpan hanggang sa lumambot at maluto.
Taktakan ng paminta at pampalasa tska timplahin kung kinakailangan.
Luto na ang napakasarap at napakasustansyang ulam. Ipaibabaw sa mainit na kanin at siguradong mabubusog ang buong pamilya!