You are viewing a single comment's thread from:

RE: ULog #6: AMAZING GRACE!

in #ulog6 years ago

Sobrang happy ako for you, @dynamicshine. Ang laki ng pagbabago sa buhay mo and iyon lang naman talaga ang gusto ko para sa'yo at sa anak mo, isa pa lang noon, ung panganay mo pa lang. Kung ano lang makakabuti para sa'yo. Iyon lang ang hangad ko at panalangin ko para sa ating magkakapatid. Mahal na mahal ko kayong lahat.

Talagang walang imposible kay Lord. Kung hindi dahil sa Kanya, siguro talagang nasa maling landas tayo. Pero malaki ang pasasalamat ko kay Lord kasi binigyan Niya tayo ng ama na nagsakripisyo nang sobra para sa ating lahat. Inakay niya rin tayo sa paniniwala at pananampalataya sa Panginoong Hesus. Kung hindi dahil sa kanya at sa paraan ng pagpapalaki niya, marahil, wala tayong mararating sa mga buhay natin.

Tama ka sa sinabi mo:

Everyone of us will be reached out by God. It may be a different way to you or to someone else's, depending on how you grasp it at first hand. It also depends whether you ignore it or not, or if you are blinded by the earthly things and the norms around us.

Maraming paraan kung paano tayo tatawagin ni Lord. Kinakatok Niya ang mga puso natin, at hinihintay lang Niya na papasukin natin Siya at hayaang maghari sa buhay natin. Nasa atin na lang kung gugustuhin na mabuhay nang mayroong Diyos or walang Diyos.

Napakamahalagang bagay na matutunan natin habang nandito pa tayo sa mundo ang makilala natin at tanggapin natin na ang kaligtasan natin ay na kay Hesus. Siya lang ang ating Panginoon at Tagapagligtas.

Thank you sa pagshare mo ng message mo about God's Amazing Grace. Apart from God, we are nothing.

Sort:  

Grabe tigas ng ulo ko dati kapag nagbabalik-tanaw ako haha... hindi ko ma-imagine mga pinaggagagawa ko. Gayunpaman, thankful ako na kayo naging mga kapatid ko, Ate. Kung wala kayo, hindi ko alam saan kami pupulutin ng anak ko at hindi ako makakapag tapos ng pag-aaral. Salamat Ate..

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.16
JST 0.030
BTC 58551.10
ETH 2514.90
USDT 1.00
SBD 2.35