ULOG: Wag Makipagrelasyon Kung Walang Tiwala

in #ulog6 years ago

IMG20180613191219.jpg

Nakakainis pala kapag walang tiwala sa'yo ang karelasyon mo. Yung tipong nagsasabi ka naman ng totoo pero panay duda pa din ang lumalabas sa bibig niya. Ang nakakainis pa, dahil lamang ito sa simpleng laro. Tinatanong niya sakin kung sino ang naka high score sa laro na iyon. Kami lang dalawa ang naglalaro ng app na yon sa phone ko so sinabi ko isa sa amin ang nakahigh score at baka ako. Aba naman! Hindi naniwala at ginigiit na may ibang tao naglaro ng game na yon sa phone ko kahit wala naman talaga. Nakakatawa na nakakainis. Gusto niya bang magsinungaling ako na sabihin ko na may ibang naglaro kahit wala naman para masatisfy lang siya? O maninindigan ako sa katotohanan na isa sa amin yon at baka ako ang nakahigh score na yon? Ang tanda ko kasi may isang level doon sa game na yon na natapos ko ng isang laruan lang. Sa dami ng levels na natapos ko syempre mahirap ng matandan kung ano doon.

Ayan tayo e, wag kasi kayong makikipagrelasyon sa taong hindi niyo naman kayang pagkatiwalaan. Niloloko niyo lang sarili niyo at nakakasakit din kayo ng damdamin ng ibang tao. Akala niyo ba madali lang sa naaakusa ang mga false accusations niyo? Hindi madali at masakit talaga sa damdamin!

Kung tingin niyo naman may karelasyon na iba ang inyong kinakasama aba, hanap-hanap din ng ebidensya. Wag puro imahinsayon ang pinapairal kasi mahirap yan. Kung mali ang akala masisira ang relasyon na binuo ninyo dahil lang sa maling akala.

Ngayon, ngayon hindi ko nalang papansinin. Aba totoo naman ang sinasabi ko bakit pa kailangan igiit ang gusto? Para lang masabing tama ang sinasabi kaya hindi na makikinig? Yun ang nakakatawa pero mas nakakainis.

Tip lang sa mga may karelasyon diyan: wag kasi tamang hinala. Hanap muna ebidensyang may iba dahil kung wala naman talaga ay baka relasyon ang masira. Makinig din kasi sa mga sinasabi ng karelasyon wag lang yung puro gusto niyo. Kung puro gusto niyo lang naman ang iintindihin dapat makipagrelasyon na lang kayo sa sarili niyo.

Isipin din ang nararamdaman ng karelasyon, wag lang ang sarili.


Pasensya na kayo sa aking rant. Peace tayo.

EMDESAN.gif


emdesan (1).png
received_1899007856785127.gif

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 62559.43
ETH 3092.10
USDT 1.00
SBD 3.86