#15th entry in #ULOG√√√ Monthsary message😘

in #ulog6 years ago (edited)

image
Hindi biro ang estado ng relasyon naten, mahirap sobrang mahirap, yung tipong pag may problema gusto ko yakapin mo ko pero wala akong magawa kase andyan ka, andito ako. Hindi ganong kadali na makapunta ka agad agad. Pag may sakit ka gusto ko ako mag aalaga sayo, yung tipong aantayin ko na mawala yung sakit mo, pero hindi pwede dahil ang layo mo. Nung nagkasakit ako, naospital, gusto ko ikaw palagi ang bantay ko, gusto ko pagtuturukan ako ng kung ano anong gamot sayo ako nakakapit, pero hindi pwede kase may trabaho ka nyun. Dika naman pwedeng umabsent ng matagal para lang puntahan ako. Sobrang dami na hindi naten pwede gawin, yung makita ka araw araw ang pinakamalala na hindi talaga pwedeng mangyari sa ngayon. Pero sabi mo nga, okay lang to. Dadating din naman tayo sa puntong gigising tayo ng magkatabi at uuwe tayo sa iisang bahay. Pag iniimagine ko yun, siguro sobrang saya palagi ng araw ko. Ikaw kase lage ang makikita ko e. Alam mo naman ako, lagi akong tuwang tuwa sayo pag nakikita ka. Hahahaha😂 Ikaw ang Happy Pill ko pero ikaw lang din ang may kakayanang mabago ang mood ko ng mabilis😂

image
Mahal, tandaan mo kahit ganto tayo, kahit sobrang layo naten sa isat isa, kahit palagi kitang namimiss, kahit naiinggit ako sa iba kase araw araw nilang kasama ang mga boyfriend nila, hindi magbabago ang pagmamahal ko sayo. Kahit na anong mangyare, kahit ilang kilometro pa ang layo naten, okay lang matitiis ko. Dahil para saken hindi sapat ang distansya naten sa isat isa para hindi kita mahalin. Sobrang mahal na mahal kita mahal, higit pa sa sobra, ganyun kita kamahal. Kapit lang tayo palagi sa isat isa. Pray lang tayo. Kaya naten malagpasan ang kung ano pa mang mga problema ang dadating sa relasyon naten. Happy 2yrs and 10 months of love mahaal😍💏💕😘 I love you so muuuch and I miss you soooo much😘

Sort:  

Mas mahal na mahal na mahal na mahal na mahal din kita @annbelino💋😘 ikaw lang mamahalin ko ng buong buhay ko iloveyousomuch mahal😍 happy happy 34th monthsary💏

Coin Marketplace

STEEM 0.15
TRX 0.12
JST 0.025
BTC 54096.18
ETH 2412.88
USDT 1.00
SBD 2.10