#ULOG-HUGOT: NANG DAHIL SA PAG-IBIG AKO AY NAGKAMALI NGUNIT NATUTO NAMAN SA BUHAY

in #ulog-hugot6 years ago (edited)

Mabuhay mga ka-hugotera, #uloggers #esteemians!

Maraming Salamat Sis @sunnylife sa #ulog-hugot. Ang dami ko namang nababasang mga #hugot, tagos sa puso, kaya napagtanto kong ako naman, ako nalang, ako nalang ulit! Hahaha! Hindi niyo po naitatanong ay marami na po akong napagdaanan pagdating sa pag-ibig, at dahil diyan ay meron din akong mga tinago-tagong #hugot na ngayon ko lang ibabahagi. 😅 Halina't samahan akong tumawa, umiyak, kumanta, umibig at tumawa uli't!

Nang dahil sa Pag-ibig marami akong natutunan, isa na dun ay ang magtiis, magparaya at magpakatanga. Isa lang naman ako sa minalas noon na magmahal sa isang taong sobra-sobra magbigay ng pagmamahal. Sobra talaga siyang magmahal, kaya naman marami kaming kanyang minahal. Paulit-ulit na kasalanan, paulit-ulit na pagpapatawad. Ganyan ako magmahal noon. Tanga lang naman! Haha!

Ilang gabing hindi makatulog, ilang pagkaing sinayang, ilang luhang umagos hanggang naging sipon, lol! Nakakatawa sa tuwing aking naiisip, nakakapanghinayang lang minsan sa nasayang na mga panahon.

Ito ako noon.😧 Tingnan mo o pag'ibig kung ano'ng ginawa mo. Malungkot, lumuluha, namumublema. Hay naku! Kailan ba darating ang magandang umaga! 😧

image

Nang dahil sa Pag-ibig nakalimutan ko ang aking tunay na halaga. Sayang namang naman pala ang pagpapalaki sa aking mga magulang. Sa pagpapakain, sa pagbibihis, sa pagpapaaral, kung nahumaling lang ako sa isang taong hindi naman ako pinahalagahan.

Ngunit dahil sa Pag-ibig ako'y natutong magpakatatag. Hindi naman pala habang-buhay ang aking paghihinagpis. Ang aking mga Panalangin ay biglang dininig ng Langit.

Hindi po masakit ang aking ngipin kundi'y ako'y nakakita ng isang bituing biglang nagningning at tinahak ang aking madilim na damdamin. Oo at ako'y umibig muli sa isang taong tunay na nagbibigay ng pagmamahal na hindi ko lubos akalain. 😍

image

Talagang napakasarap sa pakiramdam ang isiping ako'y nasa piling na ng isang taong ako lang ang piniling ibigin, habang may buhay. Ako lang, ako lamang, hindi sobra, sakto lang. Salamat Mahal Kong Asawa.😍

image


Blessed and grateful! I am thankful for being a part of the @gratefulvibes community by #papabear @paradise-found.

P.S. please support my witnesses @good-karma, @cloh76.witness and to the person who inspires many, Sir Terry @surpassinggoogle by typing @steemgigs in the first search box.

To cast your vote visit https://steemit.com/~witnesses

Maraming Salamat Po! 😀

Proud to be #ulogger and #esteemian!

Sort:  

grabee kakakilig may video pa
nakaka inlove naman blog nato sis
salamat sis ngayon ko lang nakita!
wwow!!!

Welcome sis @sunnylife, natatawa ako habang sinusulat ko to. 😂

Coin Marketplace

STEEM 0.27
TRX 0.13
JST 0.031
BTC 61918.40
ETH 2900.39
USDT 1.00
SBD 3.64