Carrot Man 2.0 Kapuso Mo: Jessica Soho Interview (video)

in #tv7 years ago (edited)

Nang tawagan ako ng Kapuso Mo: Jessica Soho para sa kwento ni Carrot Man, natuwa ako kasi matagal-tagal na ring di napapanood si Jeyrick sa TV. Last time na nagkita kami after pa ng gift-giving sa Ogo-og. Marami na kasing nagbago sa buhay niya mula nang huli kaming magkita. Tapos nagulat ako kasi later on nag-set na sila ng interview. Shookt ako. Pero naisip ko chance ko na iyon para magkwento kung gaano kasaya ang experience ko habang isinusulat ang #FindingCarrotMan at ano ang natutunan ko habang nasa Barlig ako na hometown ni Jeyrick.
Gusto kong magpasalamat sa team ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa pagsama po sa akin sa episode na ito. Syempre kay Jeyrick Sigmaton para sa inspirasyon para masulat ko ang kwento. Salamat sa family niya, sa team niya, sa mga taga-Barlig at Kadaclan, fans at supporters niya na supportive sa project na ito mula nang simulan ko kahit di nila ako kilala. Tinanggap po nila ako. Salamat sa PHR family, mga readers, friends, classmates ko na tumutok talaga.
Ang haba ng speech ko. Akala mo mag-aartista na ako. Hahaha! Sa wala pa pong Finding Carrot Man at I Remember the Boy:Carrot Man, sana po makabili kayo. More power to Jeyrick and KMJS. Di na po nailabas sa interview pero sana maging proud ang mga Igorot at iba pang cultural minority sa kung ano ang mayroon sila. At sana po irespeto natin ang kultura at paniniwala ng ibang tao para sa world peace. I, thank you!

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.17
JST 0.030
BTC 79435.01
ETH 3189.92
USDT 1.00
SBD 2.70