"Bituing Ina" - Tula

in #tula6 years ago (edited)

ina.jpg

Image Source


Bituing nagnining-ning sa kalangitan,
Labis ang kagandahan kung ito'y pagmasdan.
Sa tuwing siya'y kumukutitap sa gabi,
Puso ko ay mabibighani.

Sa bawat dilim na aking tatahakin,
Siya ang palaging gagabay sa akin.
Ina kong mala-rosas ang kariktan,
Na nagbibigay ganda sa sanlibutan.

Ina, mahal na mahal kita,
Simula noong ako'y nasa sinapupunan pa.
Sa lahat ng iyong ginawa ako'y nagpapasalamat,
Mga sakripisyo at pagmamahal na tapat.

Talagang ikaw ay isang dakilang ina,
Na may mabuting puso sa tuwina.
Ang pagiging ikaw ay simbolismo ng bituin,
Na nagbibigay liwanag sa dilim.


DQmTsmYLYidVohVsfBZHP59m8xwP6yUNAMqkE2frFzmz9wx.gif

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.15
JST 0.028
BTC 59449.45
ETH 2406.65
USDT 1.00
SBD 2.43