Filipino Poetry -- Manlalaro

in #tula6 years ago

basketball-2258651__480.jpg

Puso ko ay tahimik na sana
Pero sa di inaasahang panahon ay nakilala ka
Isang nilalang na nagbigay sa akin ng saya at ligaya
Sayang pang panandalian lang pala

Alam ko isa kang atleta
Hindi matatawaran ang husay mo sinta
Ngunit may nakakalimutan ka ata
Hindi puso ang pinaglalaruan kundi ang bola

Walang kapantay ang yong pagiging bolero
Eksperto ka sa larangang ito
Sa sampung sinabi mo maswerte na kung may isang totoo
Ok lang sa akin yun sabay naman na ako

Sa bawat pintig ng puso ko
Kaakibat na nito ang pangalan mo
Ngunit sisiguraduhin kong huli na ito
Dahil hindi na ako magpapakatanga pa sayo

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 63718.61
ETH 3390.60
USDT 1.00
SBD 2.62