"Yugto"

in #tula6 years ago

"Yugto"


Ang tulang ito ay pagpapatunay na ang pagibig ay panghabangbuhay at kailanman ay naghihintay


images (9).jpg
Pinagkuhanan ng Imahe


Mabuti pa ang mga bulaklak ni Lola sa hardin tuloy ang paglago,
Mga ala-alang pakiramdam ko ay tuluyan ng naglalaho,
Binitiwang kataga na sa aki'y bumihag,
Na tila'y kapag aking nabitawan ito'y mababasag

Naligaw ng landas at nagtungo sa dilim,
Kamay mo'y binitawan at sakit ay kinimkim,
Sumabay sa agos kahit hindi alam ang patutunguhan,
Nararamdamang hindi alam ang hangganan

Espada at kalasag ang tanging bitbit,
Sumabak sa gyerang puno ng pait,
Nagpatuloy sa paglalakbay, paglalakad, at pagpapakapagod,
Plumang ginamit ay tuluyan ng na-upod,

Tuloy sa paghakbang ang aking mga paa,
Huminto sa iyong harap at aking nadama,
Pagtibok ng puso'y muling umarya,
Ika'y muling nasilayan dulot ay sobrang saya,

Sinundan ko ang mga yapak kahit ang iba'y nabura na,
Sa muli mong pagyakap ako'y naluha,
Sapagkat nakita ko sa iyong mukha,
Pangungulila at pananabik na aking likha,

Aking pagbabalik na iyong hinintay,
Hindi na sasayangin ang pagkakataong binigay,
Ika'y kumapit at tayo'y maglalakbay,
Ako'y kakapit hanggang mamatay,

Damdaming kailanma'y hindi nagbago,
Ihip ng hanging hindi maitatago,
Tadhana ang dahilan bakit nagtagpo,
Oras ang hinintay para ituloy ang yugto


DQmboHdFAz8kFNLLgYr9USbb4rRixZD6KvSjw6JS3ieKeLo_1680x8400.png

And this is @racheleecious or simply "Chel Lee"

Don't forget to Follow, Comment, Upvote and Resteem
DQmWpisRXDF56mV3DgzzPUxb3R2ozseR48YVr2YKtwtrBcV.gif

DQmboHdFAz8kFNLLgYr9USbb4rRixZD6KvSjw6JS3ieKeLo_1680x8400.png

To give @surpassinggoogle your witness voting decision, visit https://steemit.com/~witnesses and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.

Other recommended witness: @beanz @curie @teamsteem @acidyo @reggaemuffin @utopian-io @good-karma @blocktrades @timcliff @hr1 @cloh76.witness @busy.org @precise @arca

Sort:  

This post has been resteemed and received 15% upvote courtesy of
@ortorres1123! Thank you for using my free service!

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.16
JST 0.031
BTC 62419.28
ETH 2628.28
USDT 1.00
SBD 2.56