"Laro ng Buhay" - Orihinal na akda

in #tula6 years ago

Mundo ang palaruan ng mga manlalaro,
Buhay ang mismong laro.
Sa laro ng buhay may natatalo may nananalo,
Hindi isa hindi dalawa hindi tatlo, lahat pwedeng manalo at lahat pwedeng matalo.
Laro na walang sinusunod na batas.
Laro na dapat pagsikapan bago makita ang katas.
Katas ng tagumpay
sa laro ng buhay.
Ang lahat kasali, ang lahat ay taya.
Habulan sa tagumpay na minimithi.
Tagu.an ng problema sa likod ng mga ngiti.
Patentero sa kamatayan at kanyang haplos.
Isang laro na hindi natatapos
Isang laro na lalaruin hanggang sa paghimlay
ito ang laro, laro ng buhay.

2c86fc4c4ad8221631a7effecb7a45cf.jpg

[Source Link]https://www.pinterest.com/pin/62276407320844577/

Sort:  

wow naman po!

I'll be resteeming it!

wow thank you for appreciating my work. You can hit me a follow for more tula soon. hehehe i'll follow you back. thank you once again for appreciating my work.

Isang laro na kahit kailan ay hindi natin maiiwasan. Maging masaya tayo sa kung ano ang meron pagsubok man ito o ginhawa. :)

Sang.ayon ako sa linyang ito. hehehe

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 59908.77
ETH 3191.82
USDT 1.00
SBD 2.43