Tula, Isang Katha :: PAGSIKAT NG ARAW | Isang bagong pag-asa ang hatid

in #tula6 years ago

images (2).jpeg

Pagsikat ng Araw

Talaga naman kayganda
Ang mabuhay ng kay sigla
Tila ba wala nang problema
Dahil ang araw ay sumisilip na

Isang araw ang lumipas
At ibang araw naman ang ipaparanas
Na tila ba isang wakas
Ang kahapon na masalimuot na bakas

Sa tuwina aking naiisip,
Pagkatapos ng isang magandang panaginip
Madadama ko na naman
Ang isang magandang pakiramdam

Subalit, 'di lang ito ang kanyang dala
Ito rin ay may hatid na pag-asa
Sa mga taong tila pagod na
Upang sa buhay ay makibaka

Pagsikat ng araw, ikaw ay kayganda
Ako ay nahuhumaling sa iyong pagpapakita
Na tila ba binibigyan ng buhay
Ang mga pinapangarap at hinahangad na tagumpay


Isang magandang pag-asa ang hatid ng isang umaga, pagsilip ng araw ang kanyang unang bungad at dala

Isang Tula, Isang Katha para sa pusong sawi at nangangailangan ng kalinga

Image source

Sort:  

Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by leryam12 being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!

Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 63968.82
ETH 3136.80
USDT 1.00
SBD 4.28