Filipino Poetry : "Nung Huli Kitang Makita"

in #tula6 years ago

digital-art-398342__480.png

Pixabay

Nung Huli Kitang Makita
ni @jennybeans


Nung huli kitang makita
Umaagos ang mga luha sayong mukha
Ang mga mata mo'y waring nangungusap, nagmamakaawa
Umaasang sayong pag-alis ay pipigilan kita

Ngunit hindi kita pinigilan
Bagkus ikaw pa'y aking pinagtulakan
Pinaalis sa buhay ko dahil sa maraming dahilan
Mga dahilang di mo na kailangan pang malaman

Nung huli kitang makita
Batid kong ayaw mo pang kumalas
Pinanghahawakan ang nag-iisang alas
At yun ay ang pag-ibig na wagas

Ngunit hindi naging sapat na rason ang pag-ibig
Na kagaya ng isang kapeng mainit
Kapag ka napabayaan at lumamig
Mamumutawi pa rin ang pait

Nung huli kitang makita
Ikaw ay lumuluhod saking harapan
Naghihintay ng mga kasagutan
Sa iyong mga katanungan

Hindi kita pinaliwanagan
Hindi dahil sa gusto kitang saktan
Kundi dahil alam kong yun ang kailangan
At mas makabubuti kung tayo na lang ay magkalimutan

Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana
Tayo'y pinagtagpo't muling nagkita
Pansin kong kay laki na ng yong pinagkaiba
Subalit ang yong kakisigan ay di pa rin maipagkakaila

Ngayong mukha mo'y muling nasilayan
Di maipaliwanag ang aking nararamdaman
Ako'y di mapakali at naiihi na parang ewan
Naguguluhan at sobrang kinakabahan

Ngayong nakita kitang muli
Di alam kung ano ang dapat na igawi
Iiwas ba na parang di kita kilala kunyari
O kakausapin ka na parang wala lang nangyari

Mas namutawi ang kagustuhan kong iwasan ka
Nung huli kasi tayong nagkita ay pinagmukha kitang tanga
At ngayon ako'y nakokonsensya't nahihiya
Kung pwede lang sana'y lamunin na lang ako ng lupa bigla

Pero wala eh, tayo'y nagkatitigan
Kitang-kita ko sayong mga mata ang pagkamuhi at kalungkutan
Kalungkutang pilit na tinatago sayong mga ngiti
At pagkamuhing nararapat naman talaga sa akin

Nung huli kitang makita
Pagmamahal ang nababasa sa yong mga mata
Pero ngayon pakiramdam ko na kay sama-sama ko
Nang masaktan ang puso ng mabuting taong kagaya mo

u7rR1iU.png
u7rR1iU.png

U5dryacLKKpig2tysTaHYTxGFQtFrwZ_1680x8400.png

jennybeans.gif

JENNYBEANS-1.gif


Maraming Salamat sa Pagbisita

Sort:  

Congratulations @jennybeans your post has been featured at Best of PH Daily Featured Posts.
You may check the post here.


About @BestOfPH

We are a curation initiative that is driven to promote Filipino authors who
are producing quality and share-worthy contents on Steemit.

See Curation/Delegation Incentive Scheme here. Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Follow our trail and vote for curated Pinoy authors. If you are a SteemAuto user, @bestofph is an available trail to follow.

If you want to be part of the community, join us on Discord

Naalala ko tuloy nung kabataan ko :D

This comment was made from https://ulogs.org

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.13
JST 0.030
BTC 64689.90
ETH 3450.92
USDT 1.00
SBD 2.50