* Tunay na pag-ibig *
Naalala ko pa noong una tayong nagkita,
Sa isang pribadong opisina nagtama ang mga mata,
Agad kang gumawa ng paraan, upang ako ay makilala,
At hindi mo inintindi kahit ikaw ay maabala.
Hindi nagtagal at nalaman mo ang ngalan ko,
Labis ang kaba nadarama ng puso ko,
May koneksiyon sa padadaop ng palad natin,
Dito na nag simula ang maganda nating pagtingin.
Masaya at makulay ang ating relasyon,
Punong-puno tayo ng mga ambisyon,
Makamit sana ang habang buhay na pagsasama,
Sobrang saya sa puso ang ating nadarama.
Pagsasama natin ay nagtagal ng ilang taon,
Wala ng makakasira pa sa ating relasyon,
Kahit marami pang unos ang sa atin ay dumating,
Mananatiling matibay ang pagmamahalan natin.
Dumating ang araw na gusto mo ng makamit,
Ang tunay na kahulugan ng tunay na pag-ibig,
Gusto mo ng ialay ang iyong tapat na pag sinta,
At nais mo ng dalhin ako, sa harap ng dambana.
Kay saya ng araw, ng pag-iisang dibdib natin,
Lahat ay masaya, at sa atin sila ay nakatingin,
Dalangin sa maykapal, ng bawat isa sa atin,
Ang ating pag-ibig sa isa't-isa sana ay pagpalain.
Mula sa tunay na obra ni @iyam
Sana magusthan nyo!
Salamat sa pag
FOLLOW!
UPVOTE!
COMMENT!
RESTEEM!

Upvoted..
Salamat fay @leslyfay
Walang anuman po. 😊..keep writing 👍
Thank you, Sir Terry @surpassinggoogle
Thank you very much sa lahat ng nag vote.
God bless us all!