Taksil sa Pag-ibig
Bakit sa pag-ibig ay mayroong hindi tapat?
Kahit ginagawa na para sa kanya ang lahat.
Kay daling matukso sa maikli ang palda,
At lilingon pa ito kahit ikaw ay kasama.
Sa lahat ng panahon lagi mo siyang iniintindi,
Hindi ka tumitigil, sa kanya upang magsilbi.
Wala kang maisip, na ibang dahilan,
Bakit nagawa niya na ikaw ay pagtaksilan.
Natukso siya sa ibang kandungan,
Damdamin mo ay kanyang sinaktan.
Kay sarap ipagdasal siya ay mamatay na,
Pero hindi mo magawa, dahil mahal mo siya.
Sana'y dumating na ang tamang panahon,
Na ang pusong nasasaktan, ay makaahon.
Taksil sa pag-ibig ang iyong natagpuan,
Maghanap ka na ng iba, at siya ay kalimutan.
Salamat sa lahat!
Follow @iyam
Upvote! Comment! Resteem!
Love , iyam 💕
Thank you very much! @mrblu
aray ko! ;)
Maraming salamat @diosarich
@iyam thanks for posting steemitdavao tags
keep steeming..steem on..Upvoted and resteem
Greetings From your steeemitdavao family.
Salamat po @steemitdavao