(Sekreto) Namamangka sa dalawang Ilog

in #tula6 years ago (edited)

Sa buhay mag-asawa ay hindi maiwasan,
Dumating ang panahon na hindi inaasahan.

Ang magkaroon ng kahati sa piling ng iyong mahal,
Kailangan bang tanggapin upang kayo ay magtagal?

Mayroon akong kakilala, malapit kong kaibigan,
Hindi ko masabi sa kanya ang aking nalalaman.

Ang kanyang asawa ay may ibang minamahal,
Kay hirap na ilihim, sapagkat ito ay bawal.

Namamangka sa dalawang ilog ang kanyang asawa,
Gusto ko man itong ibulgar pero wala akong magawa.

Masasaktan ang kaibigan ko, pati na rin mga anak niya,
Hanggang kailan ko itatago, malapit na akong makonsensya.

Tama ba itong gagawin ko? sasabihin ko na ang totoo,
Kailangan na bang malaman niya, handa na ba ako?

Ang sekreto ng asawang namamangka sa dalawang ilog.
Ilalatag ko na ang ebidensiya, kahit tuhod ko'y nangangalog.


source

Tula mula sa obra ni @iyam
Salamat sa lahat:
Please visit and Follow @iyam
Upvote!
Comment!

Love, iyam 💕
Resteem!

Sort:  

Upvoted..

Salamat guapa @leslyfay


@ iyam thanks for posting steemitdavao tags

keep steeming..steem on..Upvoted and resteem

Greetings From your steeemitdavao family.

davao.png

Maraming salamat po sa lahat ng nag upvote,
God bless everyone! @iyam

Thank you very much @surpassinggoogle

Coin Marketplace

STEEM 0.15
TRX 0.12
JST 0.026
BTC 55825.83
ETH 2516.08
USDT 1.00
SBD 2.28