Muling Pagbabalik... #tulapilipinas

in #tula6 years ago

Kay sarap balikan ang lupa mong sinilangan
Mga alaala ng nakalipas hindi nawawala sa isipan
Kapatid, kaibigan, kababata at mga kamag-anakan
Ang magdadala sayo, upang bumalik sa pinanggalingan.

Kay saya ng damdamin, pagkat muli kang masisilayan
Bayan kong minamahal, kaylayman ay hindi ka malilimutan
Naka ukit sa puso ang mga malulungkot at masasayang araw
Nang mga kahapong nagdaan, noong tayo pa ang magkaulayaw.

Ikaw ang pinanggalingan ng matibay na prinsipyo ko sa buhay
Ang mga magangdang pananaw, at desisyon ko sayo'y aking inaalay
Sa aking muling pagbabalik, dala-dala ko ang bunga ng tagumpay
Sana'y ito na ang simula, upang ang ating buhay ay maging matiwasay.

Hihilingin ko sa ating Maykapal, lahat ng ito ay lagi ng makamtan
At sana'y panghabangbuhay, kasaganaan, kapayapaan ay nandiyan
Upang sa tuwina may panahon, at pinanasiyal na mapagkukunan
Sapagkat ang nais ng puso ko, sana ikaw ay palaging mabalik-balikan.


source

Thank you for dropping by!
Please.. Follow!
Upvote!
Comment!
Resteem!

Love, iyam 💖

Sort:  

Ang taong mapagmahal sa kanyang sariling bayan ay siguradong pinagpapala! :)

Tama ka friend, salamat sa magandang komento @escuetapamela

Coin Marketplace

STEEM 0.26
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 64961.60
ETH 3103.64
USDT 1.00
SBD 3.86