" Kahit na masakit " #tulapilipinas

in #tula6 years ago

Kahit na masakit, pipilitin kong ika'y iwaglit

Maging sa panaginip, huwag ka ng lumapit

Ayoko na muling, makita kahit na anino mo

Kahit pa nga ikaw sa akin, ay magsumamo

Huwag mo nang naisin, na mabuo pa tayo

Pagkat ito'y parang kristal, durog na sa siphayo

Masakit man isipin, wala ka na sa aking piling

Sana ay malimutan ka, ito ang tangi kong hiling

Alaala na lang ng kahapon, ang tanging dadalhin

Sa mga pangako mong nakasakit ng damdamin

Ang nais ko ngayon, ay limutin na ang nakaraan

Mahalin una ang sarili, panahon ay laging ilaan

Kahit na masakit, tatanggapin ng buong puso

Kapalaran nga ba ito, sa pagsinta ay mabigo?


source

Hope you like this poem!
Thank you for droppin by!

Sort:  

Tell me who your heroes are and I'll tell you who you'll turn out to be.

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 63780.55
ETH 2618.13
USDT 1.00
SBD 2.82