ILAW NG TAHANAN...

in #tula7 years ago

Ilaw ng tahanan malaki ang kahulugan,
Hindi basta-basta ang papel sa isang inahan.

Maraming dapat na isaalang-alang,
Upang ang tahanan ay hindi masayang.

Mahirap man ang mga gawaing bahay,
Madali lang itong matatapos ni nanay.

Lahat kanyang gagawin upang magampanan,
Hindi marunong mapagod ito na ang nakasanayan.

Hindi lang paglilinis ang kanyang kayang gawin,
Katulong din siya ni tatay sa mga gawain.

Para siyang si darna sa bilis kumilos,
Gusto niya lahat ng bagay ay kanyang maayos.

Kung may sigalot sa kanyang tahanan,
Laging si inay ang gumagawa ng paraan.

Upang magkaroon ng tunay na kapayapaan,
At nang manaig ang tunay na pagmamahalan.

Si nanay din ang takbuhan sa kanyang mga anak,
Laging nasa isip supling ay hindi hindi mapahamak.

Mga payo ni ina palaging para sa kabutihan,
Dasal niya si bunso magkaroon ng magandang kinabukasan.

Walang kapantay ang pagmamahal ni ina,
Nandiyan siya palagi sa tuwi-tuwina.

Siya ang tunay na ilaw sa lahat ng tahanan,
Pag-aalaga at pagmamahal ay walang katapusan.


source

Tula mula sa puso ng isang ina!
Sana magustuhan nyo! Salamat.
Please, huwag kalimutan mag
UPVOTE!
COMMENT!
RESTEEM!

Sort:  

Salamat sa lahat ng nag upvote, God bless everyone!

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.15
JST 0.030
BTC 65551.56
ETH 2659.92
USDT 1.00
SBD 2.89