"Bituin sa langit"

in #tula8 years ago

Bituin sa langit kay gandang pagmasdan,
Ikaw ay nagniningning sa kalangitan.

Tanglaw ka sa madilim na karimlan,
Nakakawala ka sa kalungkutan.

Ang kislap mong taglay na kaaya-aya,
Tingnan ka sa malayo ay nakahahalina.

Lahat ay naakit kung ikaw ay lumabas na,
Sa itaas ng langit, na ang panahon ay maganda.

May hugis kang krus, at mayroon ding rosaryo,
Kagila-gilalas ang mga ginawa sa ating Ginoo.

Bituin, araw-araw kang pagmamasdan,
At kaylanman ay hindi ka pagsasawaan.

Ikaw ang palamuti na hindi mapaparam,
Sa mata nang sinuman wala kang kapantay.


source

Sana magustuhan nyo!
FOLLOW @iyam!
SALAMAT sa mag
UPVOTE!
COMMENT!
RESTEEM!

Sort:  

upvoted already sis

Salamat @mitch0403

How lovely photo

Indeed! Thank you @momin109

Resteemed already 😘😘😘

Upvoted te

Thank you very much @mrblu

thanks for posting steemitdavao tags.

Upvoted and resteem your post.

@steemitdavao manual bot

Coin Marketplace

STEEM 0.09
TRX 0.31
JST 0.030
BTC 110234.76
ETH 3681.77
USDT 1.00
SBD 0.67