Bagong Pag-ibig #tulapilipinas

in #tula6 years ago

Kay sarap damhin, puso ko'y sumisinta
Bagong pag-ibig, sayo'y aking nakita
Sana nga ay ito na, ang tugon sa aking dasal
Na ang relasyon nating ito ay magtagal.

Napagod kong damdamin, ngayon ay masaya
At sa tuwing kasama ka, dama ko ang ligaya
Umapaw sana ang ating pagmamahalan
Tunay na pagsuyo, ang tanging maramdaman.

Tapat sa isa't-isa ang sekreto ng isang relasyon
Ito ang inaasam, na mangyari sa atin ngayon
Ayoko ng maulit pa, ang mga nangyari noon
Ipinagpalit sa iba, at nawalan ng panahon.

Bagong pag-ibig, sayo'y aking natagpuan
Ikaw na nga sana, hanggang sa katapusan
Ayoko ng humanap pa, ng ibang mamahalin
Nais ko tayo na, sa huli ang magkapiling.


source

Hope you'll like this!
Please,
Follow!
Comment!
Resteem!
Upvote!

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 63464.16
ETH 3111.33
USDT 1.00
SBD 3.98