PAGMAMAHAL SA AKING MAGULANG

in #tula6 years ago

Sa Bawat araw ng aking paglalakbay
Magulang kona rin ang nagsilbing gabay
Nagbigay ilaw sa madilim kong mundo
Upang mga pangarap ay makamit ko

Mga natutunan sa aking magulang
Respeto, unawa’t pagiging magalang
Natutunang hndi ko mkakalimutan
Bawat araw, bukas at magpakailanman

Pansin ko ang hirap sa kanilang mga mata
Sa huli kong sulyap pumanaw na sila
Mahirap man isipin, mahirap mang gawin
Hindi ko alam, pero dapat tangapin

Naglalaho ako, simula sa papa
Nagising ako, panaginip lang pala
Sa aking pagmulat unan ko’y basa na
Paglabas ko sa kwarto, nasan na ba sila?

Totoo ba? O ako’y namamalikmata
Panaginip ba? O katotohanan na?
May tumulo sa aking mga mata
Ramdam ko’y pag sisi nang wala na sila

Ako, bilang anghel ng aming tahanan
Naging bukas palad at makatotohanan
Ngayon ay wala na akong ina’t ama
Pagkatapos ay hindi na ako naging masaya pa

Kaya habang maaga pa at may oras
Pagmamahal nati’y ibigay ng wagas
Malakas man ang aking pagbagsak
Hindi pa rin ako naputulan ng pakpak

Ngunit nangarap padin ako
Kahit bawat oras, luha ko’y tumutulo
O dapat ba ako nalang ay sumuko?
Sa pagdurusa dito sa aking puso

Kaya paalam na ina’t ama
Sana lang tayo’y mag kita
Ngunit ngayo’y ako’y nagdurusa
Kahit na akala ko’y ito’y wakas na

Para saiyo to, ikaw na nagbabasa
Wag mo sayangin ang oras, magsimula ka na
Habang nandyan pa sila saiyong tabi
Simula na, nang hindi ka magsisi

Ipakita mo kung gano sila kahalaga
Iparamdam mo ang pagmamahal mo sa kanila
Iparinig mo ang salitang “mahal kita”
Dahil baka ito pala’y maging huli na.

Photo Credit:
https://visualhunt.com/photo/158247/

Sort:  

Beautiful poem
Steem On!

Take some imaginary @teardrops (Smart Media Tokens)

Galing! @iphone7 kudos.

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.14
JST 0.029
BTC 64063.06
ETH 3144.15
USDT 1.00
SBD 2.55