Tula # 2: Ang aking Alaga
Ako ay may alaga
Na kulay kahel at puti na pusa
Ang pangalan niya ay Babing
Mapagmahal at malambing.
Siya ay malakas at mataba
Dahil siya'y alagang-alaga
Hindi sa akin sumusuway
Bagkus siya ay laging nakabantay.
Nagbibigay ng ligaya
Sa puso ng bawat isa
O alaga kong pusa
Sa'yo ay lubos akong natutuwa.