Tula # 1: Para sa HARING ARAW

in #tula3 years ago (edited)

Salamat Haring Araw



image source


Araw! Ang kapangyarihan mo'y sa umaga,
Lumiliwanag sa Mundo at nag bibigay sigla sa mga TAO.
Hindi humihingi nang kabayaran kahit kami ay makasalanan.
Gusto mulang naman kaming pag-lingkuran.


Umaga hanggang hapon tayong magkasama.
Ang pagmamahal mo sa amin ay mahaba,
Relasyon natin sa isat isa’y hiwaga,
Walang makapagbibiyak kahit sino mangbathala.


Sa umaga kami'y masayang masaya,
Subalit, Sa paglubog nang araw may nadama kaming kaba,
Hindi namin namalayang aalis kana pala,
Salamat sa Saya at ligaya mong dala,
Hindi ka namin malilimotan kaibigan,
Hanggang sa muling pagkikita "HARING ARAW".




image source