Tula # 8: Huwad na Pangarap

in #tula3 years ago (edited)


image source


Huwad na pangarap


Isang pangarap na di maabot,
Dahil ang tinatahak na daan ay baluktot,
Tumingin sa itaas at humiling,
Na sana ang munting pangarap ay dinggin.


Ang gusto ko’y, bansang maganda,
Mga taong nagmamahal at nagpapahalaga,
Ngunit hindi ko ito maisasakatuparan,
Dahil sa sistemang bulok at kinakalawang.


Pangarap ko’y, maging isang abugado
Layunin ko’y puksain ang taong manloloko,
Ngunit pangarap ko’y, di makamit,
Dahil sa utak kong kay liit.


Ngayo’y aking napagtanto,
Lahat ng gusto’y hindi napapasayo,
Sana’y magsilbing aral ito sa inyo,
Nawa’y wag ninyong gayahin ang Pangarap na ’to.



image source