Tula # 5: Ang aking Pinuno

in #tula3 years ago


image source



Ang aking Pinuno


Pinuno ko’y mapagmahal at matapang,
inuuna niya ang kapakanan ng kabataan,
Ayaw niya ng mga salot sa lipunan,
Yan ang aking pinuno, pinuno ng bayan.


Muslim at kristiyano sumasaludo,
Sa katapangan ng aking pangulo,
Mga teroristang kumakalaban sa gobyerno?
Hindi aatrasan, pupulbusin ang solusyon dito.


Pagkalulong sa droga, kanyang winakasan,
Mga taong sangkot, ngayo’y nasa kulongan,
Ang ibang matapang, nasa kalangitan,
Sa rehabilitasyon naman ang bagsak ng iilan.


Ikaw ang modelo ng kabutihan,
Sana makamit ang tunay na pagbabago,
Mabuhay ka aking Presidente,
Aking pinuno, Rodrigo Roa Duterte.



image source