Tula # 3: Ang aking Guro

in #tula3 years ago


image source

Ang aking guro


Guro ko’y masipag at masigla,
Umaga’t maghapon laging magkasama,
Sa kwentuhan man at tawanan,
Kahit minsan hindi mo ako napagalitan.


Nagbigay liwanag sa madilim kong daan,
Mga payo at paalala niya’y hindi ko makakalimotan,
Kasosyo sa lahat ng aking natutunan,
Huwaran ka sa aming mga kabataan.


Ang aking guro bayani kong maituturing,
Kahit ano man propesyon iyong inaangkin,
Doktor, Polis, Engineer, Abogado kaman,
Dahil sa nabigay niyang kaalaman,
Lahat ng yan aming nakamtan,


Pangalawang magulang siya’y maituturing,
Salamat sa mga nabigay mo sa amin,
Mga paalala, turo, at payo di mawala,
Dadalhin namin ito hanggang pagtanda.


image source