Ang Hindi Mo Alam: Tula Para sa Araw ng Mga Ama

in #tula6 years ago (edited)

image
Credit

Ang hindi mo alam
Hinhintay ka niyang umuwi
Sa gabi na sana'y masaya
Siya nagpupuyat
Mugto ang mga mata
Sa mga sinabi mong masasakit na salita
Pinakain mo na lang sana siya ng bubog
Di ba?

Ang hindi mo alam
Inalagaan ka niya
Pinunasan ang iyong mukha
Nilinis ang iyong suka
Pinalitan ang iyong kamiseta
Hinawi ang buhok na nasa mata
Pinagmasdan ang anghel mong mukha
Habang umiiyak ng magisa

Ang hindi mo alam
Lahat ng gutom tiniis niya
Pag uwi ng delikado hindi ininda
Masunod lamang ang layaw mo
Sa mamahaling cellphone na gusto

Ang hindi mo alam
Nilalamig na siya sa init
At napapaso sa lamig
Kahit anong ipayo'y wala siyang pinakinggan
Dahil alam niyang mag-isa ka lang
At gusto niyang makauwi agad
Ngunit bigla nalang tumawid
At kinuha siya ng nakakasilaw na ilaw
Habang ika'y naglalaro sa bagong cellphone mo
Walang kaalam alam sa nangyari ngayon

Hindi mo alam
Lahat ng pagkain niya ng pandesal sa almusal
Na pinapaabot hanggang uwian
Lahat ng paglalakad niya Muntinlupa hanggang Luneta
Lahat ng gamit na hindi pinalitan
At sapatos na malapit ng bumuka
Lahat ng pagpasada pagkatapos ng
Trabaho sa umaga
Lahat ng iyon ay wala na...
Ni luha mong puno ng hinagpis
Wala ng magagawa
Salamat itay sa lahat,
Yan nalang ang kayang ibigsak.


Salamat sa lahat ng dakilang tatay! Happy Father's Day po!

June 16, 2018 - 7:40 PM


emdesan (1).png
received_1899007856785127.gif

Sort:  

Aweee <3 Ang ganda ng iyong tula :) Minsan talaga, tumitigas mga ulo natin at minsan di natin makita ang hirap ng mga tatay at di natin na.a.apprecite. kaya, hanggang nandito pa si tatay, dapat we should always make them feel loved and appreciated. :)

Coin Marketplace

STEEM 0.27
TRX 0.13
JST 0.032
BTC 61562.85
ETH 2891.34
USDT 1.00
SBD 3.43