Ako ay Pilipino, Tagalog ang wika ko

in #tula7 years ago

stock-photo-fountain-pen-on-text-sheet-paper-closeup-188212592.jpgAgosto, buwan na naman Ng wika.
Isang pagdiriwang dito sa aming bansa.
Wikang Tagalog dapat nga bang ikahiya?
Bayani'y winika mas mabaho pa sa isda.

Ako ay nagsulat Ng tula gamit aking wika
Sariling atin at di Hiram sa banyaga.
Aking ipagmamalaki wika ko kanino man
Sapagkat ito'y atin magpakailanman.

Dito sa steemit nais kong wika ko'y ipabatid
Upang Pilipino magbuklod Ng walang patid.
Sa pagsulat nitong tula ang nais ko lamang
Pilipinong tulad ko ay hindi maging mangmang.

Gamitin dito ang sariling wika
At ipagmalaki na tayo ay bansang malaya.
May likas na yaman na ubod Ng Ganda
At may iniingatang ibat ibang kultura.

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 64038.60
ETH 3148.89
USDT 1.00
SBD 3.97