The Vanishing Island - Philippines

in #travel7 years ago

Gaya ng aking sinabi sa naunang blog ay ibabahagi ko sa inyo ang ilang mga litrato na kuha sa Vanishing Island na matatagpuan sa rapu rapu, Albay. labin limang (15) minuto lang kami pinayagan ng bangkero na tumagal sa isla para lamang kumuha ng mga litrato at baka gabihin din kami sa laot pabalik sa Bacacay Port.

Ito ang mga ilan sa mga kuha kong litrato sa nasabing isla;
18446652_453411638366573_3160978373205268633_n.jpg

Tagong Isla sa umaga at pagsapit ng hapon makikita ang kagandahan nito.
18447338_453410341700036_4920353434512910809_n.jpg

Sa umaga makikita mo ang mga cottage na ito na nakalutang sa dagat. sa pagkakaalam ko kung hindi ako nagkakamali ang upa sa cottage ay limang daan piso Php500.
18424261_453412545033149_1474711304239866198_n.jpg

Marami kayong makikita na Starfish at Octupos sa islang ito ngunit ipinagbabawal ang paghuli nito. hindi kayo papayagan ng namamahala doon na iuwi o dalhin ang starfish.
18423827_453411918366545_4416482932141744932_n.jpg

18403329_453414328366304_8003962019462708892_n.jpg

18193780_1516675985033664_4150315635413612194_n.jpg

18221624_1516684778366118_4338262446834010329_n.jpg

May ilang mangingisda na nag-aalok ng kanilang huli sa mga lokal at turista doon. Sobrang nakakamangha at naaliw ako sa islang ito kahit konting oras lang ang ibinigay sa amin ay busog naman ang aming mga mata sa kagandahan nito.
18157931_1516679798366616_2268576547628077270_n.jpg

Ito 'yong nakabalik na kami sa Bacacay Port. Habang nag-aantay sa sasakyan na ni-rentahan namin ay nasilayan ko ang noon ay kalmado at hindi pa nag-aalburutong Mayon. hindi ako nag aksaya ng oras at nakiusap sa aking matalik na kaibigan na kuhanan ako ng litrato.
18446880_453414245032979_2288700676770072401_n.jpg

Kung magagawi o pupunta po kayo ng Albay, isama niyo po ito sa inyong listahan. Maganda at siguradong magugustuhan niyo dito, mababait din ang mga tao doon.

Hanggang sa susunod po, salamat sa inyong pagbisita!

cooltext273981127115427.gif

Please continue to support @surpassinggoogle
If you haven't voted your witness yet, vote Terry now!
Write @steemgigs >>>https://steemit.com/~witnesses

cooltext273977488532072.gif

Sort:  

Congratulations @iamshy! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of posts published
Award for the number of upvotes
Award for the number of comments
Award for the number of upvotes received

Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

By upvoting this notification, you can help all Steemit users. Learn how here!

wow ang ganda naman jan mam :-)

opo, mas nagustuhan at nag enjoy nga po ako dito kesa doon sa una naming pinuntahan.

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.14
JST 0.028
BTC 59404.52
ETH 2610.92
USDT 1.00
SBD 2.41