Walang permanente sa MundosteemCreated with Sketch.

Walang Permanente sa Mundo

"Sa una lang masaya,
Sa una lang maganda.
Tipong akala mo panghabambuhay na,
Pero di pala.

Sa una lang may pakialam,
Bukas,makalawa-di na nagparamdam.
Sa una lang malambing,
Pag tumagal, cold na ang dating.

Sa una, magkasintahan ang turingan
Sunod na buwan,parang kaibigan na lang.
Pero pag mahal mo,wag mong sukuan,
Kaso lahat tayo may kapaguran at hangganan.

Hindi ka man sigurado sa iyong patutunguhan,
Pasasaan ba't mahahanap mo ang iyong sandalan.
Huwag matakot subukan
Mundong ginagalawan,
Basta't alam mo ang iyong sandigan,
Harapin mo ng may paninindigan
Pagka't mundo'y makasalanan
Sagot ay pagmamahalan.

😇😇😇Image-1497761782087.jpg

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.17
JST 0.033
BTC 63989.15
ETH 2749.61
USDT 1.00
SBD 2.66