The Diary Game January 25, 2021 : Ang Masayang Araw ng Pag Swimming ng Aming Pamilya

in #thediarygame4 years ago

Magandang araw mga Ka Steemit isang mabuting araw at masaya ako na nakabalik akong mag post ulit dito sa kabila ng isang linggo akong nagkasakit at hanggang ngayon ay hindi pa din ako gumagaling.

FB_IMG_1611465125041.jpg
Ang aking bunsong anak si Naya

Kahapon ay masayang namasyal at nag swimming ang aming pamilya kasama ang aming mga kamag anak na taga Bukidnon.Matagal na naming gustong mag swimming ngunit dahil sa pandemya ay di namin magawa dahil sa mahigpit na ipinagbabawal ng pamahalaan.

FB_IMG_1611451343972.jpg
Ang aming pagbyahi papunta sa resort

Mabuti na lamang at mayroon bagong bukas na resort dito sa amin sa Tagoloan Misamis Oriental ang pangalan ng resort ay JC Event Center Resort.Napakaganda ng resort dahil sa ito ay bago pa at wala pang masyadong nakakapunta sa resort na ito at hindi sila mahigpit pwedeng maligo ang mga bata siguro dahil hindi mapupuntahan ng pulis ang resort na ito dahil ito ay private at malayo nasa sulok pa ito at medjo malapit na sa Bukidnon.

received_3859384057459635.jpeg
Mga masasayang bata

Umalis kami ng bahay ng 9:00am ng umaga at natapos kami ng 4:00pm ng hapon.Umupa kami ng isang jeep para makasama ang gustong makasama.Sa aming pamilya ay labing lima kami kasama ang mga bata.May baon kaming kilawing isda , kaldereta baka , humba na baboy, salad at iba pa.

received_2757457237842657.jpeg
*Ang aking Ina,kapatid at kamag anak

Sa unang pagkakataon ay hindi ako nakasali sa kanila mag swimming dahil sa ako ay may sakit ako kaya ang nangyayari ay taga kuha muna ako ng litrato at tiga nood.Masaya na rin akong tingnan silang masayang naliligo lalong lalo na ang mga anak ko na bihira lang mka labas ng bahay.

received_126726122561003.jpeg
Isinama ko rin ang aming kapitbahay

Sa kabuuan ay ito ay isa sa pinakamasayang araw namin.Napakasarap tingnan at makasama ang boung pamilya na nagkakaisa at sama sama.Mula ng bumalik kami dito sa lugar namin ay masaya na talaga kami dito.

Ito muna ang ikukuwento ko sa aking #thediarygame ngaung araw na ito.Hanggang sa muli mga ka Steemit.

Maraming Salamat sa Panginoon na di nya ako pinabayaan at unti unting natutupad ang aking mga munting pangarap para sa aking mga anak sa pamamagitan ng Steemit
At kay @steemcurator01 @steemitblog @steemcurator08 at sa lahat ng bumuo ng challenge ng #thediarygame .

Sort:  

Get well soon mamsh, ako din nag sick leave haha

Congratulations, your post has been upvoted by @dsc-r2cornell, which is the curating account for @R2cornell's Discord Community.

Curated by @blessed-girl

r2cornell_curation_banner.png

Enhorabuena, su "post" ha sido "up-voted" por @dsc-r2cornell, que es la "cuenta curating" de la Comunidad de la Discordia de @R2cornell.

This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.

Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.

Anroja

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.16
JST 0.032
BTC 64161.94
ETH 2763.35
USDT 1.00
SBD 2.70