3 Apps para sa Libreng Mobile Internet sa Globe o TM dito sa Pinas!| Mga Hakbang na may kasamang Hugot

in #technology8 years ago (edited)

Magandang araw sa lahat ng aking mga tagasubaybay at mga nakakabasa nitong post na ito. Matagal na rin mula nang magsulat ako ng katha gamit ang wikang Filipino kaya sasamantalahin ko ang pagkakataong ito upang ituro ang aking nalalaman sa paggamit ng 3 Applications lamang mula sa Google Play Store para sa libreng mobile internet.

Tinitiyak ko sa inyo na ang ituturo ko nama'y gumagana. Hindi kita papaasahin katulad niya. Ang galing, may kasama pang hugot diba?


Di na ako magpapasikot-sikot pa. Kaya ihanda na ang inyong mga cellphone at ako'y magsisimula na..


Unang Hakbang: E-install ang 3 Apps na ito mula sa Google Play Store:


image1515699584915.png

Ikalawang Hakbang:Mag rehistro sa Globe Switch at Datally gamit ang number mo sa Globe or TM. Minsan, natatagalan magkarga ang mga Apps na ito bago ka makatanggap ng code para ikaw ay makumpirma. Parang sa pag-ibig lang, matuto kang maghintay. Nainip ka lang sa paghihintay, iniwan mo na agad. Wag ganun!
IMG_20180112_041154.png

Ikatlong Hakbang: Gamit ang inyong browser sa cellphone, puntahan ang www.phcorner.net at mag sign up. Libre naman at walang bayad. Pagkatapos magsign up, maghanap ng globe or TM ehi files sa search bar ng website nila.

Ang ehi file ay may extension na ".ehi". E download ang ehi na nahanap. Maraming mga ehi files doon. Kadalasan, gumagana naman lahat base sa aking karanasan. At wag kalimutan na magpasalamat sa gumawa ng ehi file na yun bilang pag tanaw ng utang na loob sa biyayang kanyang binahagi. Pwede mo ring ekumpirma sa comment mo kung gumagana ba o hindi yung ehi file niya. Parang panliligaw lang yan, sabihin mo na agad at wag mong paasahin. Masakit kasi..

Ikaapat na Hakbang: Buksan ang app na Globe switch at e click ang mga FREE Offers. Kunin mo ang lahat nang kaya mong kunin. Di ba sana'y ka namang binibigay mo ang lahat ng pagmamahal mo sa kanya?

Ikalimang Hakbang: Pagkatapos, mag avail ng maraming free offers sa Globe Switch (kailangan marami talaga, mas marami pa sa mga crush mo ha, mga sobra pa sa bente) pumunta sa settings at hanapin sa apps ang Globe Switch at e click ang force stop at clear data. Pagkatapos, e ON mo yung Flight Mode sa loob ng isang minuto. At e ON mo uli yung Data Connection mo.

Ika-anim na Hakbang: Buksan ang Datally App at pumunta sa check data balance. Makikita mo sa larawan sa baba na nakakuha ako ng 900 MB at ngayong Ika-16 pa ng Enero maeexpire.

Ikapitong Hakbang: Buksan ang HTTP Injector App at pindutin ang Import Config at hanapin ang ehi file na nadownload mo kanina sa phcorner. Matapos ma import. Eclick ang Start. At hintayin maging connected.

Mabuti pa ang Injector, connected na,kami kaya?Kailan?

Ikawalong hakbang at Panghuli: Subukan mo kung makaconnect ka ba sa internet nang libre tulad nito.


Sanay gumana rin sayo ito. At sanay nasayahan din kayo sa pagbasa. Kung ikaw ay may katanungan ukol sa aking blog, susubukan ko itong sagutin sa mga komento sa baba.

Follow & Upvote
@japh

Sort:  

This post has received a 0.63 % upvote from @drotto thanks to: @banjo.

Ang galing. mind blown! pwed pala makapag internet ng libre. maraming salamat sa pag share my prend!

Subukan mo @ted7. Gumagana talaga ang mga hakbang na ito. At higit sa lahat, ang mga apps na globe switch at datally ay legal pa. Galing mismo sa Globe at TM ang mga data na makukuha mo.
Sana nga subukan ito ng ating mga kababayan para makatipid.

Coin Marketplace

STEEM 0.13
TRX 0.33
JST 0.034
BTC 110817.02
ETH 4295.39
USDT 1.00
SBD 0.83