Pagmamahal ng Isang Ina

in #teardrops6 years ago

Noong akoy ikaanim na baitang, mayron akong nabasang kwento na tumawag sa akin ng pansin, ang tema ay "Ang Aking Ina ay Mayroon Isang Mata" ito ay isinulat sa wikang englis subalit ikwekwento ko ito sa wikang tagalog.

Inilahad sa kwento ang pagkamuhi ng anak sa ina dahil isa lamang ang mata nito, ikinahihiya nya ito simula nong nag-aaral pa siya. Dahil sa kapansanan ng ina, siya ay tinutukso ng kanyang mga kaklase. Sa kabila non, pinapakita pa rin ng ina na mahal na mahal nya ang kaniyang anak.

Gustong makawala ng anak sa piling ng ina, pinangako nya sa sarili na mag-aaral at mangingibang bansa.
Nangyari nga ang ipinangako sa sarili. Nakapang ibang bansa siya, nakapag trabaho at doon na din nagkaroon ng pamilya.

Hinanap ng ina ang kaniyang anak, at may nakapag-bigay ng impormasyon tungkol sa tinitirahan ng kaniyang anak.
Nagbuntong-hininga siya bago kumatok. Pinagbuksan siya ng dalawang napakagandang bata. Tuwang-tuwa ang ina. Hanggang lumapit ang kanyang anak at ang asawa nito?
Daddy, do you know her? Tanong ng mga bata, who is she? Tanong ng kaniyang asawa. Dali-dali siyang sumagot, na hindi nya kilala ang matandang babae.
Paglipas ng panahon, namatay ang kaniyang ina. Umuwi siya sa kanilang bansa dahil mayroon silang family reunion. Naisip nya na dumalaw sa kanilang bahay. May lumapit sakanya na tila at sinabi ang balita na patay na ang kaniyang ina, isang linggo na ang nakalipas at may iniwang sulat.
Binuksan at binasa ito.

"Sa hindi inaasahang pangyayari, ang aking pamilya ay naaksidente. Namatay ang aking asawa at nabulag ang isang mata ng aking anak. Hindi ko kakayanin at pagmasdan na lumaki ang aking anak na iisa ang mata, kaya binigay ko ang akin. Masaya ako na makita siyang masaya gamit ang aking mata.
Anak, mahal na mahal kita."

Habang ito'y binabasa ko, totoong hindi ko mapigilan ang aking mata sa pagluha. Nakakahabag ng damdamin ang kwentong iyon. Aaminin ko din na mababaw ang aking luha kung tungkol sa mga kwentong pamilya.

image

Ibat-iba ang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal ng ina. Pero nararamdaman natin iyon. Minsan hindi natin iyon napapansin.
image

Isang buwan ang nakalipas, ako'y nagkasakit. Nilagnat ng mataas, kailangan ang koordinasyon ng aking katawan at laging isipin na gagaling na ako, subalit, pabalik-balik ang aking lagnat. Ayaw kong isturbohin ang aking pamilya tuwing ako'y nagkakasakit. Hanggat kaya ko bumabangon ako para kumain kasabay nila. Isang hapon gumising ako na masakit ang buong katawan at nilalagnat, hinanap ko ang aking tubigan. Ahy! Wala na pala akong tubig. Iniaabot ko ang aking tubigan at sabay sabing, pakilagyan nga ito please...
Eh, lagyan mo na, ikaw ah, ikaw mas malapit. Sagutan ng dalawa kong kapatid. Dahil sa halo halong nararamdaman, ako'y nagsabi. Ganyan na ba kayo? Tubig lang na pinapakuha ko, hindi nyo pa maibigay?
Eh nong nagkasakit naman kayo, inalagaan ko naman kayo ah, kahit kaya nyo sinusuboan ko kayo, tapos ako, hindi nyo man lang matanong kung okay ako? Kung kumusta ako? Sa bagay tubig nga hindi kayo makakuha, yun pa kaya? Mga salitang hindi ko dapat sin

Naramdaman ko na walang nagmamalasakit sakin, kasali na ang aking mama(ina). Subalit, mali ako, pinagsabihan nila ang dalawa at simula non, ramdam ko ang pagmamalasakit ng aking pamilya. Si mama na nagtiyagang nag-alaga sa akin habang ako'y nasa hospital, anumang oras gumigising para makakain lang ako. Umuuwi sa bahay, para makapag linis at makapgluto para sa akin at para sa aming pamilya, si mama na tumutulong sa iba kahit may hinaharap na problema, si mama na halos hindi makapag pahinga. Si mama na matiyagang kumakayod, si mama na matiyaga. Si mama na mas grabe ang pag-aalala kapag kami'y nagkakasakit. Mga bagay na lihim nilang sinasabi pero kanila itong pinapakita. Tunay ngang isang magandang halimbawa si mama sa amin at yun ang gusto kong gayahin.

image

image

image

Sa akin lahat ng mga larawan.


From the bottom of my heart, I wanna say thank you for these wonderful Steemians @iyanpol12, @sn0white, @el-dee-are-es, @atongis, @dunkman @jetskie, @sepchronicles, @phantum04, @ligaya, @dianafigura, @dwightjaden, @gesea, @onsim, @lyann, @jysui, @sisonengg, @shawmeow, @juwel, @jannie98, @yadah04, @franbel, @cutirenskei, @katrinelaparan27, @goldwindeleon, @saskia, @manilyn09, @maki07, @joonz, @gingbabida, @islaw, @iamsj, @marose, @nonoako, @jamaejoyful, @goselle, @jbmolano, @zia-md, @jlajael
Specially to @bobbylee, good-karma and @surpassinggoogle

@surpassinggoogle is a very kind person and please support him as a witness by voting him at https://steemit.com/~witnesses and type in"steemgigs" at the first search box.

Kindly visit https://steemit.com/~witnesses again and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.shula14.png
received_1763309120359630.jpeg
U5duGxNXWPknG1ehsLR5nTiUsG38D7s.gif
U5dsEc2ULjze5gsRZQq5CHpHhKorpZJ.gif
SHULA14.gif

Sort:  



See your post featured here by @johnpd on Monday Short Stories & Poetry, a community curation initiative by @SteemPh.

If you would like to support the Steemit Philippines community, please follow @SteemPh.Trail on SteemAuto

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.14
JST 0.029
BTC 67443.68
ETH 3234.73
USDT 1.00
SBD 2.65