Ang Aking Mga Kaibigan

in teardrops •  last year 

dog-3311918_960_720.jpg

Ang larawan na ito'y nag-mula sa Pixabay


"Ang Aking Mga Kaibigan"


Ang aking mga kaibigan ay laging maasahan
Sa hirap man o ginhawa, kasama mo kahit saan.
Pinag-tibay nang panahon, sampung bagyo ang dinaanan
Malayo man o malapit, hindi mag-iiwanan.


Mahirap makahanap nang kaibigan na tunay
Sino ang makakapag-sabi, kung kagaya sila ni Inay.
Ang tunay na magkaibigan ay dapat nag-dadamayan
Sa hirap at ginhawa, parang bayanihan.


Ang mga kaibigan ko malawak ang pag-iisip
Kasing lawak ng kabukiran ni mang Jusip.
Sa inyong pagiging tunay, maraming salamat kaibigan
Dahil di pera ang basehan ng tunay na magkaibigan.


Masaya ako sa mga kaibigan ko ngayon
Kahit hindi nila gusto, sila'y sumasang-ayon
Anila kung saan ka masaya, suportahan kita
Saan man ako mag-punta, alam ko ako'y makikita.


Ang tulang ito ay inaalay ko sa aking mga kaibigan na walang tigil ang suporta sa akin. Nawa'y inyong magustuhan ang tulang ito na galing sa aking puso. Hangang sa muli.


GIF-180316_162802.gif

sheshe footr.png

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!