Naiintindihan mo ba mahal?

in teardrops •  last year 

IMG20171125130529.jpg

Magandang gabi sa inyo aking mga kababayan dahil sa sakit na nararamdaman gumawa ng tula para sa minamahal, para maibsan lungkot na nararamdaman.

Hindi ko alam anong di mo naintindihan
O, di mo lang talaga iniintindi pinagdadaanan
Kahit sabihin mong akoy iyon naiitindihan
Pero iba parin pusong ito, nararamdaman

Mga sinabi mong akoy iyong mahal
Bakit di labis maramdaman ng puso, mahal?
Mga paasa mong akoy umasa naman
Nagtatangahan kasi sa katotohanan

Minahal ka naman ng pusong ito
Bakit di parin ramdam ng puso mo
Naging tutuo naman ako sayo
Pero ito pa ang isinukli mo

Ilang ulit mo man akong saktan
Ilang beses mo man ako tatapakan
Akoy tatayo parin,asahan mo yan
Dahil pagmamahal koy talagang totoo yan

Pero wag kang maging kampanti mahal
Kahit gaano ka man kamahal
Baka magsawa na sa mga pasakit, mahal
Kaya sana itoy ingatan, para ikay di maiwan

Maraming salamat sa inyong pagbasa sa akin tula.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Ramdam ko ang sakit
Nang iyong pusong sugatan
Ako'y kaibigang nagmamalasakit
Upang sakit ng iyong damdami'y maibsan.

@smafey

·

Maraming salamat kaibigan
Ako talagay nasaktan
Pero ako rin ay nasiyahan
Dahil may isang kaibigan
Na akoy naintindihan

:)