"Isang Mabuting Ina o Isang Pabaya ba?"

in #teardrops6 years ago (edited)

Ang pagmamahal ng isang ina ay walang hangganan, mamahalin ang kanilang anak ng higit pa sa lahat. Aalagaan nila ang knilang anak sa abot ng kanilang makakaya ng walang hesitation o expectations. Magbibigay sila ng sobra-sobra kahit wala ng matira sa kanila and will expect nothing in return.
IMG_20170714_103204.jpg

IMG_20180415_155207.jpg

CYMERA_20180322_223646.jpg

Ang pagiging ina ay isa sa pinaka importanteng bagay sa isang babae. Being a mom requires a lot of dedication, commitment and energy. And ina din ang humuhubog sa personalidad ng kanilang anak at syempre to teach them good human values.
CYMERA_20180303_093639.jpg

IMG_20171202_160735.jpg

Kapag nagkamali ang kanilang anak, ginagabayan nya ang mga ito para matutong itama ang pagkakamali. At inihahanda din nila ang anak na matutong mamuhay ng mag-isa, hindi sa habang panahon nariyan ang magulang. Darating ang araw na kahit gustuhin nilang mag-stay, mawawala sila.
IMG_20180401_165933.jpg

Nakakapanlumo lang na may mga magulang na ayaw sa kanilang anak, o malayo ang loob sa mga ito. Anjan yung binubugbog nila ang kanilang anak. Paanu nila naaatim na manakit ng sobra-sobra sa mga batang kanilang inuluwal, o kahit pa hindi nila ito anak bakit mga wala silang awa. Kung ang iba nga na malalaki ang katawan nasasaktan paanu pa sila na maliliit at walang kalaban laban, nakakaiyak ang ganitong mga larawan. Nakakadurog pusong isipin na sa ibang bata nangyayari ang ganito sa tototong buhay. May tendency na magtanim sila ng galit at sama ng loob sa kanilang magulang. Malaki din ang chance na ma adopt nila ang ugali ng pananakit.

Picture po ito na kumakalat sa facebook since 2015 pa, pero gaanu man katagal ang lumipas alam kung nakatatak pa din sa puso ng musmos na ito ang malupit nasinapit nya. Nakakaawa!

FB_IMG_1524823724824.jpg
Image soure

FB_IMG_1524823717418.jpg
Image soure

Merun ding magulang na basta na lang iniwan ang kanilang anak sa kalsada. Pinapabayaan nilang gumala at mamalimos. Ang iba nga talagang inabanduna na ng kanilang magulang.

FB_IMG_1524499483906.jpg
image source

FB_IMG_1524499463640.jpg
image source

Ang mga bata po ang dapat nating pinagtutunan ng pansin, masyado pong magulo ang mundo lalo na sa katulad nilang wala pang alam sa pamumuhay. Gabayan po natin ang ating mga anak, hindi po rason ang kahirapan para pabayaan sila o pagmalupitan.

Please follow, vote, and reesteem po.
Salamat sa din sa suporta steemit family:)

Sort:  

Nakakaawa naman ang mga batang iyan. Tama ka, dapat wag natin sasaktan ang mga anak natin. Ipakita natin at ipadama natin ang pagmamahal.

Masarap ang pansamantalang aliw pero mapait kong ang maging bunga ay di tunay na pagmamahalan at ang maging resulta ay ang pagkakaroon ng isang bata na walang masyadong suporta sa magulang,kulang sa nutrisyon at bitamina.Kaya tuloy sa klase,palaging nakatunganga dahil gutom at walang sapat na pagkain sa bahay kaya tuloy ang mga batang ito ay palaging matamlay at walang interes sa pag-aaral.

Ibahagi din natin ang ating pagmamahal sa kapwa natin.

I agree with you on that @leeart.Ako ay isang guro at damang- dama ko ang mga ganitong sitwasyon at lalo na ngayon na ako ay isang magulang at ama na rin sa mga anak ko.

Gawin natin ang ating makakaya sa pagtulong sa iba. Hindi natin kayang tulungan lahat ngunit sa pagtulong natin ay makita ng iba at sana sila din ay tumulong.

Bumibigat nga ang dibdib ko kapag nakakakita ako nga mga batang natutulog sa lansangan kahit kasama nila ang magulang nila. Madaming homeless na bata. Kung mapunta man sa ibang tao o kamag anak inaalila din

Oo nga.Pero sana di naman palaging ganito.May mga orphanage naman na sumasagip sa mga batang ito.O di kaya DSWD po.Follow-up at close monitoring lang talaga ang kinakailangan.Mayroon naman tayong program sa Philippines about 4 P's?Ito po,http://www.officialgazette.gov.ph/programs/conditional-cash-transfer/

Mahaba din po kasi ang process nila. Ang iba di naman pinapansin lalo na kapag walang lalapit mismo sa knila. Ask ko po, makakabuti ba ang federalism?

Salamat sa post mo @lynbabe10.Mahalaga talaga ang pag-aaruga ng mga magulang sa kanyang mga anak.Ang pagpapalaki ng husto at tama ay isang malaking hamon at isang napakamalaking responsibilidad na dapat pagtuunan ng pansin.

Welcome po. Okay naman kahit maghirap basta sama sama makakaya at huwag pabayaan mga anak o ipamigay, malaki ang chance na maalila lang ang bata.

Tama po.Where is your location po?

Mandaluyong po:)

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 58752.84
ETH 3153.55
USDT 1.00
SBD 2.44