#teardrops token, rewarding proof of tears by @surpassinggoogle - Ang Aking Ina Na Di Ko Unang Nakasama (A Poem)
photo from Pixabay
Hindi ako lumaki sa piling ng aking Ina
Inaruga ako't inalagaan ng aking Ama
Noong una di ko maintindahan
Bakit kami ay kailangan niyang iwanan
Gabi-gabi umiiyak ako sa aking kama
Iniisip kung ano ang ginagawa ng aking Ina
Maayos ba ang buhay niya doon
At bakit di pa siya bumabalik sa tagal ng panahon
Noong ako ay nakakaunawa na
Kinausap ako ng aking Ama
Pinaliwanag ang dahilan ni Ina
Bakit pinili niyang kami ay hindi makasama
Masakit man sa aking kalooban
Ngayon ay akin ng naunawaan
Si Ina ay nag sakripisyo
Hindi para ibigay ang aming luho
Kundi upang sa aming paglaki
Buhay namin ay bumuti
Ang aking Ama at Ina ay lumaki na mahirap
Ang lumaking kagaya nila ang kanilang anak ay hindi nila pangarap
Kaya kahit na mahirap para sa kanila na malayo sa isa't -isa
Handa silang mag tiis para sa anak nilang dalawa
Ngayon kasama ko na ang aking Ina
Ako masaya na sa kanyang kalinga
Iba padin talaga ang pagmamahal at alaga
Ng isang ina na matagal nangulila
This is a poem of my younger self asking why my mother have to leave us and work abroad. As a girl I wonder why I don't have my mother by my side as I grow up and why is my father the one who ties my hair.
Hope you had a wonderful time reading my poem
Love,
@loraine
ngayong may baby ka na din lubos mo yang mauunawaan.
Amen.
@originalworks