"LIhis tingin, Atras pabalik Sabay layo"

in #teardrops7 years ago

image

Lihis tingin, atras pabalik, sabay layo,
Sa tuwing ang ating mga mata ay magtatagpo.
Lihis tingin, atras pabalik, sabay layo,
Sa tuwing ako ay lalapitan mo.
Lihis tingin, atras pabalik, sabay layo,
Natatakot na kasi na baka muling mahulog sa'yo,
Kaya ito, ang mga naging paraan ko.
Ang lumayo, ang lumihis sa daan na binabagtas mo.
Ang magkunwari, ang manatiling nakangiti,
Kahit sa loob-loob ko ay hindi na mapakali,
Nang dahil sa hapdi, sanhi ng mga inakala ko pero mali.
Baling-bali, sirang-sira, magang-maga, walang-wala.
Mahahalintulad sa mga iyan ang aking nadama,
Dahil sa naging sagot mo sa binitiwan kong mga salita.
Magdamag naging tulala, hinanap ang sarili sa pagkawala.

Gusto kita, totoong gustong-gusto kita.
Mula sa paraan kung paano ka nakikisama,
Hanggang sa kung ano ka sa tuwing tayong dalawa lang ang magkasama.
Gusto kita, totoong gustong-gusto kita,
Mula sa kung paano ka ngumiti, hanggang sa iyong mga gawi.
Gusto kita sa paraan kung paano mo ako iniintindi.
Gusto kita, mula nang magkausap tayo ng umaga hanggang gabi.
Gusto kita, totoo gustong-gusto kita,
Hanggang sa dumating sa puntong minahal na kita.
Naging espesyal sa akin ang iyong mga pagngiti at pagtawa.
Naging espesyal sa akin ang iyong mga galaw at ginagawa.
Naging espesyal ka sa akin.
Ang iyong bawat pagkilos ay binigyan ng ibig sabihin.
Binigyan ng kahulugan ang iyong mga tingin.
Hindi ko naman akalain na ang nararamdamang ito ang maghuhulog sa akin sa bangin.

Minsan,
Habang ang lahat ay nahihimbing,
Habang nasa kalagitnaan ng liwanag at dilim,
Lakas loob na ang lahat ay aking inamin.
Ngunit ang naging sagot mo ang nagsasabing,
Na ang lahat ay wala naman talagang ibig sabihin.
Ang aking mga mata ay nagmistulang ulan,
Basang-basa ang yakap-yakap ko na unan,
Kukulangin ang mga salita upang ipaliwanag ang nararamdaman.
Kaya hiniling ko na ako ay iyong lyuan,
Upang kahit papaano mapigil ang nararamdaman,
Ngunit tila hindi sapat, kulang,
Dahil mas lalo lang akong nasasaktan.
Sa ngayon hindi ko na alam ang dapat kong gawin.
Lilihis nalang siguro ako ulit ng tingin
At aatras nang pabalik, sabay lalayo,
Upang ang mga mata kailanma'y hindi na magtagpo.
Lilihis nalang siguro ulit ng tingin,
aatras nang pabalik, sabay lalayo,
Upang hindi na dumating sa puntong lalapitan mo ako.
Lilihis nalang siguro ulit ng tingin,
aatras nang pabalik at tuluyan ng lalayo,
Upang makasigurado na hindi na muling mahuhulog sayo.
Lihis tingin, atras pabalik at sayo, ako'y tuluyan na akong lalayo.


>**To give @surpassinggoogle your witness voting decision, visit https://steemit.com/~witnesses and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy**

Other recommended witness: @beanz @curie @teamsteem @acidyo @reggaemuffin @utopian-io @good-karma @blocktrades @timcliff @hr1
@cloh76.witness @busy.org @precise @arca

Sort:  

nice post bro. keep steeming. done upvoting you.