"Mahal na pala kita"

in #teardrops6 years ago (edited)

image
Hindi ko inaasahan

Ang aking nararamdaman

Nuong una ay wala lang

Akala ko kaibigan lamang



Mahirap pigilan

Ngunit kailangan

Kaso mapusok ang puso

Ang makinig sa utak ay hindi uso



Sa bawat araw na lumilipas

Ang pagmamahal ay hindi kumukupas

Mas lalo akong nararamdaman

At mas lalo akong naguluhan



Tama ba itong nararamdaman ko?

O baka kailangan ko nang itigil to?

Mali man sa paningin ng iba

Pero mas pinili pa rin kita



Araw-araw kitang nasisilayan

Hindi ko na pala namalayan

Tinamaan na ata ako

Oo pag-ibig na pala ito



At ngayon masasabi ko na

Oo, ngayon alam ko na

Oo, sigurado na ko

Mahal na kita yan ang totoo.



To give @surpassinggoogleyour witness voting decision, visithttps://steemit.com/~witnesses and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.
image

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.16
JST 0.030
BTC 59073.90
ETH 2519.51
USDT 1.00
SBD 2.48