"Isang Libong Bituin"

in #teardrops6 years ago

image

Isang libong bituin
Ang ipapadala't ibibigay
para sayo'y may tumingin,
Yakap na ibibigay ipaparating gamit ang hangin.
Halik at haplos sayo'y ipapadama
hanggang sa ito'y mawala,
At ang tanging maiiwan...
ay ang mga ala-ala,
Mga ala-ala ng nakaraan
na alam kong lilipas at maluluma

Isang libong bituin akin isusugo
Mga luha't pighati ay tuluyang humayo,
Tulad ng dagat sa pampang ay babayo,
Lalayo at babalik sa piling mo mahal ko,
Tulad ng isang bangka sa gitna ng dagat,
Sa ibabaw ng tubig at hampas ng alon,
Iyong bahala ay ipapanatag ko.

Isang libong bituin sa langit na madilim
Aking mahal iyong tingalain,
Marikit na nagkikislapan,
Mga mensaheng nais kong iparating,
At kung minsan ay di mo makita,
Ngunit sila'y nandyan lang at sila ng bahala.

Isang libong bituin ang tatayo bilang ako,
kahit wala na sa mundong ibabaw,
Laman ng puso'y mananatiling ikaw.
Isang libong bituin ang magsisilbing ilaw,
Patungon sa landas ng IKAW AT AKO.


To give @surpassinggoogle your witness voting decision, visit https://steemit.com/~witnesses and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.

image

Sort:  

Congratulations @finecooking! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

You published 4 posts in one day

Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.

To support your work, I also upvoted your post!
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Upvote this notification to help all Steemit users. Learn why here!

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.16
JST 0.030
BTC 59073.90
ETH 2519.51
USDT 1.00
SBD 2.48