"Kaibigan"
Dito tayo nagsimula, sa paaralan kung saan makaluma at tila ating samahan palala ng palala.
Habang tumatagal ay nakakalula, pero kahit na nakakalula wala na ang hiya basta ginagawa natin ng tama,
Sa paaralan kung saan tayo ang pangunahing kasangkapan.
Ikaw at ako na naging bunga ng pagkakaibigan, kung saan ang unang klase ang pinaka hindi makakalimutan.
Dito tayo walang kaibigan, walang masasamahan at higit sa lahat walang makakadaldalan.
Ngunit laging isinaisip na, “unang araw pa lang naman, baka bukas makalawa mayroon na yan”
Sa hardin ng paaralan unang napakinggan ang boses at hagikhik mong napakasarap pakinggan,
Dinaldal mo ako hanggang sa tayo ay magtawanan, at dumating pa sa puntong hiningi mo ang aking pangalan.
Tawanan na walang bukas, halakhakan na hindi kukupas, pero dadating ang panahon hanggang ito ay maging bakas.
Bakas ng ating samahan, maging kalungkutan.
Tawanan hanggang sa maging iyakan.
Sunduan hanggang sa “kita na lang”
Apat na taon na rin pala magmula ng tayo ay makakila-kilala,
Yung dating samahan na wagas ang halakhakan,
Kantahan sa tricycle tuwing maguuwian,
Tatambay sa bahay ng isa at doon itutuloy ang kulitan,
Ilalabas ang gitara at doon tayo magsisigawan, isisigaw natin na tila parang kumakanta ang mga katagang, “ANG SARAP MAG ARAL KAPAG KAYO ANG KAIBIGAN”
At sino ba ang makakalimot sa nagiisang taong ating naging tatay-tatayan,
Na susundo saatin kapag tayo ay naguwian,
Lilibot tayo sa bayan at itutuloy ang kantahan,
At ang kanyang mga payo para sakanyang mga anak-anakan.
Ang sarap balik-balikan kaibigan.
Sa paaralan kung san tayo nagsimula, at sa paaralan rin pala tayo huling luluha.
Dahil sa ating mga ala-ala, ngunit sigurado akong hinding hindi mawawala.
Nakatatak at baon na sa ating isipan, na ang ating nasimulan ang pinakamahirap wakasan.
Salamat kaibigan,
Kahit na nakakapagod intindihin ang mundo pati ang pagkatao ko,
Pero eto ka, nagpapakatotoo.
Salamat sa ala-alang ating nabuo,
Ala-alang binuo pati ang aking pagkatao.
Acknowledgement
To give @surpassinggoogle your witness voting decision, visit https://steemit.com/~witnesses and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.