"Hindi pa ba sapat ang aking mga nagawa?"

in #teardrops6 years ago

image

"Hindi pa ba sapat ang aking nagawa?"
Hindi ba sapat ang aking nagawa
mga nagawang akala ko wala ng kawala
mga nagawan na sa iyo at saken nagpapasaya
naguguluhan man ako aking sinta
gusto ko lang itanong
"AKO BA AY NAG-AAKSAYA?"
o ikaw ang ang hindi marunong magpahalaga
o talaga ngang nagaaksaya ka lng ng oras sakin
akala ko sa akin lang ang iyong tingin
di moko pinahalagahan at di iningatan ang aking damdamin
na para bang basag na salamin
na kahit anong gawin di na mabubuo pa
ang mga pangakong napako na
mga pangakong binuo nating dalawa
mga pangakong ginawa natin ng masaya at magkasama
at mga pangakong sinabi mong hindi na mabubuwag pa
pero lahat ng yan ay nawala
hindi pa ba sapat ang aking nagawa
lahat ng mali ko para sayo'y aking itinama
subalit bumitaw ka at iniwan ako mag-isa
dahilan para ikaw ay lumisan
at pumunta sa malayo hindi na babalik kahit kailan

Maaari bang ibalik ang dating sigla?
yung sigla na kung saan tayo ay malaya?
o hanggang dito nalang talaga?
dito nalang ba matatapos ang ating drama
o baka naman may iba ng pahina?
Pahina?
Kabanata?
ano pa kaya?
baka naman isa pang aklat
na bubuo sa pag-iibigan natin na tuluyan ng umalat
dalawa o marami pa sana
dalawa tayong tauhan sa kwentong ito pero ngayon nag-iisa
marami pa sana tayong ibubuong ala-ala kaso wala ka na
sana'y malaman mo na hanggang ngayon mahal pa kita
kahit dala mo'y puro dusa
hindi man ako nawalan ng pag-asa
pero lumayo kana
lumayo ka ng di man lang nagpapaalam
wala na ba talaga?
o magpapaalam na
kasabay ng pagkatapos ng kwentong ito na tayong dalawa ang gumawa

Pero lagi mong tatandaan
puso ko'y para sa iyo lamang
para sayo lamang nakalaan
handa akong maghintay magpakailanman
basta ikaw ay aking makamtan
makamtan hanggang kamatayan.

image

Sort:  

Congratulations @eynjhel-desilva! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

You got a First Reply

Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Upvote this notification to help all Steemit users. Learn why here!

Very interesting.

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.13
JST 0.027
BTC 60684.92
ETH 2911.45
USDT 1.00
SBD 2.30