"Panghihinayang" Isang kataga na aking naaalala. (A Filipino Writing)

in #teardrops7 years ago (edited)

Nanghihinayang
Isang kataga na dapat kong itago...
Isang kataga na pilit ikinukubli ng puso....
Masaya, oo mukha akong masaya.
Kasi pinipilit ko ang sarili na maging maligaya.

Minsan iniisip ko...
Iniisip ko na sana nanghihinayang ka din, na tulad ng nararamdaman ko.
Sana nanghihinayang ka sa mga taon nating pagsasama.
Sana nanghihinayang ka sa mga alaala na tayo'y masaya.
Sana nanghihinayang ka sakin.

Sabi mo, nabasa ko sa mga isinulat mo ... na "Maging matatag ako".
Gusto kong sabihin sayo, gustong gusto kong isagot. "Pinipilit ko naman"...
palaging pinapaalala ng utak ko ....
dito sa puso ko na Dapat maging matatag ito.
Pero parang nahihirapan ang puso ...
kasi kahit anung pilit ng utak ko, Hindi sumusunod ang puso ko....

Awang awa na ako ,
awang awa na ako sa sarili ko..
kasi pilit kong hinahabol ang isang taong may iba ring hinahabol....
na kahit masugatan pa ang aking mga paa.
Hinahabol parin kita ...
At patuloy na umaasa na maibabalik pa,
maibabalik pa ang pinagsamahan nating dalawa...
na maibabalik pa ang pinanghihinayangan kong Alaala.


"Panghihinayang"
isinulat ni @eceninzz
02 / 18 / 2018


Click for Image Source


I am a part of @steemitfamilyph. Join us! Follow - Upvote - Resteem - Comment
Be a member on our Facebook page -- Click this Link

ece-2.gif


This is your steem friend,

- Niño M.


UPVOTE / RESTEEM / FOLLOW

Sort:  

This post has received a 0.14 % upvote from @drotto thanks to: @banjo.

Luh. Kaiyak naman po. If this is happening in real life, do your best to get over that person. You deserve better. :)

naks. Salamat po :)

great lines there bai.. Salamat.

Hugut kau ka bai lage, may pinagdaan talaga haha

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.16
JST 0.030
BTC 63185.03
ETH 2478.63
USDT 1.00
SBD 2.70