To all LDR couples out there you MUST READ and APPLY it in your relationship😇

in #teardrops6 years ago

image
10 LDR REMINDERS:

  1. TIME - Dapat kahit gaano ka ka busy may time ka parin sa kanya. Kahit andyan si boss wala kang pakialam basta ma ka chat o text mo siya.

  2. VALUE- Lagi mong iparamdam sa kanya ang pagmamahal mo kahit na malayo kayo sa isat isa. Kasi para ramdam niya ang presence mo sa tabi niya t lagi kang nakasupporta sa mga gagawin niya.

  3. PRIDE- Kahit mag away kayo wag niyong isipang bitawan ang isat isa. Matutu kang mag pakumbaba kahit kasalanan pa niya. Ganyan lang talaga sila palaaway.

  4. EFFORT- Mag effort ka sa simpleng paraan kasi hindi naman nila kailangan ang materyal na bagay, mapasaya mo lang sya at mapangiti hanggang tenga ma aappreciate niya yun.

  5. COMMITTMENT- Dapat mayroon kayong committment sa bawat isa na kapag nagplano n kayo at nagkakilala na mga magulang niyo wala ng iwanan to kahit anung mangyari ipaglaban niyo pagmamahalan niyo.

  6. HAPPINESS- Dapat wag mo siyang hayaang malungkot, lagi mo siyang pakiligin, lagi mo siyang sabihan kung gaano mo siya kamahal, lagi mo siyang namimiss at lagi mo siyang lambingin.

  7. ATTITUDE- Kahit maldita pa yan o anu mang ugali meron siya dapat ikaw ang mag aadjust,hindi yung pag galit siya eh galit karin, di naman kasi yan gyera na laban lang kung laban.

  8. TRUST - Dapat may tiwala kayo sa isat isa na kahit malayo kayo ay alam niyong dalawa na di kayo magpapadala sa tukso, marami kasing matatag na relasyon pero di lahat matibay sa tukso.

  9. LOYALTY- Kapag nagkita at nagkasama na kayo ipadama mo ng sobra ang pagmamahal at pagkukulang mo sa panahong hindi kayu nag sasama. Dun mo iparamdam kung gaano mo siya kamahal. At dapat loyal na loyal ka sa kanya.

  10. LOVED- At higit sa lahat mahalin mo siya kung paano mo siya nakilala hindi yung kailangan mong baguhin ang nakasanayan na niya, kasi kung mahal ka niya kusa niyang iiwan ang mga bagay na nakasanayan na niya at magbabago sya sa kusa niya. At MAHAL MO SIYA HINDI DAHIL SA NAAWA KA KUNDI MAHALIN MO SIYA DAHIL MAHAL KA RIN NIYA HANGGANG SA INYONG PAGTANDA.
    image

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 63648.37
ETH 3125.02
USDT 1.00
SBD 3.87